Chapter 62: Revelation

309 14 0
                                    

Jhea POV

"Congrats bro, kailan kasal?" Kasalukuyan akong kumukuha ng pagkain mag-isa. Pinilit kong wag lingunin si Liam at Xan dahil bahagya akong naluluha.

Bakit ba bawat galaw ng oras ay nararamdaman kong hindi ko na kayo kasama? Bawat lingon ko nasasaktan ako dahil napakalayo nyo sa akin. Ang makita na hindi nalang ako ang babae sa buhay nyo ay nakakalungkot, at wala akong karapatang magreklamo dahil hindi ko kayo pag-aari. Wala akong karapatang hatakin kayo pabalik, sino ba ako? Prinsesa lang naman yata ako ng grupo at hindi ng buhay nyo.


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng may pumatak na isang butil sa mga kamay kong sumasandok. Ano ba 'yan! Nahihirapan naman ako ng husto sa inyo eh. Hindi nyo naman kasi ako na-inform na kailangan kong mag-adjust ng todo, hindi nyo sinabi na dapat ko ng sanayin ang sarili kong hindi na kayo kasama sa bawat galaw ko.

"Nagugutom na ko pvtek naman oh!!" Reklamo na naman ni Vince habang panay ang gulo ng buhok. Halos hindi na namin napakinggan ng maayos ang speech ng may birthday na si Daryl dahil sa kakareklamo nya na pinagmumulan ng tawanan. "Drama ng isip batang 'to!!" Dagdag nya pa habang tinatanaw ang nasa stage na si Daryl kasama ang Mommy nyang si Tita Reila at ang Daddy nitong si Tito Drale.

"Happy 21st birthday to my baby boy, that already a man now!!" Nangalumbaba ako at pilit na binalewala ang ingay sa mesa namin. Pinagkatitigan ko si Daryl na akbay ng Daddy nya. "You will always my baby boy!!" Nagtatawanan sina Clyde at Bryle sa gilid ko dahil napaka-emotional daw ni Tito Drale. "Naiiyak ako!!"

"Nakakahiya ka Daddy!!" Tumatawa nyang sinabi sa Daddy nya habang niyayakap ito.

Sandali lang na nagsalita si Tito Drale pagkatapos ay si Tita Reila na. Medyo mahaba ang speech nya kaya sunod sunod na naman ang reklamo ni Vince. Daryl already speaking when we arrive kaya naman hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makakain. Hindi kasi sya kumain bago umalis dahil dito nalang daw, kaya ngayon mag-isa syang nagri-reklamo dahil hindi sya sumabay sa amin kanina.

"So again happy birthday my baby boy!!" Niyakap nya ulit ng mahigpit ang tila naiiyak ng si Daryl. "Let's enjoy the party now!!"

"Yown!!" Sumuntok pa sya sa ere na umagaw ng atensyon. Humalakhak ako ng yumuko yuko pa sya sa mga ito kaya naman mahina syang pinagmumura ng iba. Parang baliw talaga ang isang 'to.

"Kumuha ka na ng pagkain Vince, tang1na ang sama mo magutom!!" Singhal sa kanya ng tila naiinis ng katabi nyang si Trix, na katabi ko rin.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon