Chapter 44: Friend?

441 14 0
                                    

Jhea POV

To Zero:

'Nasa NY ka na ba?'

'Kamusta?'

'Uy mag-reply ka naman. Galit ka ba? Wala kang load? :D'

'Zero! Uy! Magreply ka nga. Why you ain't replying?'

'Hey I miss you. Are we okay? Galit ka ba?'

'Sobrang busy mo naman. Isang reply naman dyan. Kahit tuldok lang'

'Sungit mo! Bahala ka nga'

'Yuhoo! Zero!'


Napabuntong hininga ako bago halos pahagis na ilagay sa side table ang cellphone ko. Dumapa ako at pinakiramdamang mabuti ang sarili ko.

February month na. Its almost 1 month since Zero bring me back here.

Kahit nandito na ako sa bahay na 'to ay nakakulong lang ako sa kwarto at pilit na umiiwas sa PG, nililibang ko ang sarili ko sa pangungulit kay Zero sa text na halos isang buwan na ring hindi nagpaparamdam.

May kinukumpirma ako sa sarili ko.


Alam kong maling magkumpara pero hindi ko maiwasan. Bakit gano'n? Bakit hindi ako makaramdam ng lungkot o pagkasabik sa pag-alis ni Zero? Pagkatapos nung gabing umiyak ako ay hindi na nasundan pa. Pag ang PG ang nawawalay sa akin, pakiramdam ko laging may burol sa puso ko. Laging ang pagbalik sa kanila ang nasa utak ko, laging sila ang laman ng isip ko. Nami-miss ko si Zero kasi iniisip ko sya, pero kapag hindi, parang ayos lang na umalis sya.

ARGH! Ang unfair ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Dapat mas lamang na ang ranggo ni Zero sa pagkatao ko eh, kasi sya yung tumulong at nagtayo sa akin nung tinulak ako ng mga taong 'to, sya yung nandyan sa tabi ko habang sugatan ako. Ang unfair na pagkatapos ng mga nagawa nya sa akin ay PG pa rin ang mas lamang, ang unfair ng puso ko dahil pagkatapos ng sakit na naibigay nila, sila pa rin talaga.

Ang unfair no'n. Dinurog nila ako, yung puso ko, pero kahit konti yata parang hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanila. Sa mga panahon na sinusuyo nila ako, pakiramdam ko nagkaka-amnesia ako at nalilimutan ko lahat ng masasakit na salitang binato nila, pakiramdam ko bawat yakap ay natutunaw ang galit ko. Ang unfair.

"Aalis ka?" Tanong ni Liam na nakahiga sa long sofa. Tumango ako at pilit iniiwasan ang mga tingin nila.

"Saan ka pupunta? Sama!"  Umiling ako kay Daryl.

"Sa mall lang. Gusto ko maggala mag-isa!!" Matigas kong sabi bago sila talikuran.

Iiwas ako. Baka sakaling kakaiwas ko ay mabawasan ang pagmamahal ko sa kanila, baka sakaling kakaiwas ko ay mabaling yung pagmamahal ko kay Zero. Natatakot ako sa nararamdaman ko, natatakot ako sa tibay ng pagmamahal ko sa walong lalaking 'to. Natatakot ako dahil pakiramdam ko sila na ang umuukupa sa pagkatao ko, sila na at ayaw na nilang umalis o may madagdag pa.

To Daddy:
'Dad! Busy po ba si Zero? Bakit hindi nya sinasagot yung mga tawag at text ko? :'( Miss ko na sya'

Bumuntong hininga ako. Ano naman kayang gagawin ko sa mall? Wala naman akong gustong bilhin.

From Daddy:
'Maybe Princess. Don't worry sasabihan ko syang tumawag sayo mamaya'

Napabuntong hininga ako bago tuluyang pumasok sa isang barroom. Dumiretso ako sa counter at agad umorder ng Moscato, this is my favorite wine.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon