Jhea POV
Nakasimangot kong dinampot ang cellphone ko na nasa mini table. Halos kalahating oras na itong nagri-ring. Ang aga aga pa ah. Sino ba 'to? Bakit kailagang ganitong oras pa tumawag. Ngayon na nga lang ako nakakabawi ng tulog mula sa halos tuloy tuloy na pagpupuyat namin sa Tagaytay.
"U-Uhm?" Hindi na ako nag-abalang tignan pa. Makikilala ko naman siguro sya sa boses hindi ba? Tumikhim ang nasa kabilang linya.
"Anak?" Napangiti ako ng makilala kung sino ang nasa linya.
"Daddy!! Bakit po?" Unti-unti kong dinilat ang mata ko bago sulyapan ang screen para tignan ang oras. Alas kwatro pa lang. "Hello Daddy?"
"Are you okay?" Labag man sa loob ko ay tuluyan kong binuhat ang katawan ko para bumangon. Hindi ugali ni Daddy ang tumawag ng ganito kaaga dahil alam nya ang ugali naming magkakapatid. Ayaw namin ng na-iistorbo pag natutulog.
"I am Dad!! Bakit po? May problema ba?" Sa unang pagkakataon ay sumagi sa isip ko si Zero.
Kung may problema? Ibig bang sabihin pauwi na si Zero? Uuwi na ba sya? Kukunin na ba nya ako dito sa puder ng PG? Marahas akong umiling ng maramdaman ang malakas na dismayasyon sa sistema ko. Hindi ba't 'yon naman talaga ang plano? Pinabantayan lang ako ni Zero sa PG habang may inaayos syang kung ano sa NY, at pag bumalik sya ay babalik na rin ako sa kanya. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito sa balitang 'yon. Dapat nga ay masaya ako dahil pagkatapos ng halos isang buwan na hindi pagkikita ay makakasama ko na ulit sya. Dapat masaya ako, hindi malungkot.
"None Princess! I just checking if you three are fine. Ngayon lang ako medyo naging free, that's why hindi ako nakakatawag. I miss your voice. Maayos ba ang lahat dyan? Kayo? Ikaw?" Yumuko ako sa mga tuhod ko habang hawak pa rin ang cellphone ko. "Jhea?"
"D-Dad? P-Pauwi na ba si Zero?" Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko iyon gustong sabihin, pero gusto kong alamin. Pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman. Oo! Alam kong maling maramdaman ito. Dahil ako, nakalaan na ako sa tabi nya. Kahit pwede akong umalis, ayokong gawin, ayokong gawin dahil ayaw kong saktan ang taong tumulong sa akin sa pagtayo nung mga panahong nalumpo ako dahil sa sobrang sakit, ayokong saktan yung taong nagbigay ng liwanag sa dumilim kong mundo, ayokong saktan ang bokya ko.
Ayokong isang araw makikita ko syang umiiyak dahil sa akin, dahil mababasag ako pag nangyari 'yon. Ang makita syang nasasaktan dahil sa iba ay masakit na, paano pa kung ako mismo ang maging dahilan ng sakit na 'yon?
"Kailan sya uuwi?" Pero.... gusto ko pang makasama ang PG. Gusto ko muna dito ng mas mahabang panahon at oras. Gusto ko pang maramdaman ang presensya at pagmamahal nila ng mas matagal. Ayoko munang umalis hanggat hindi ko gusto. Kahit alam ko ang posibilidad na masaktan ko si Zero, parang mas gusto ko 'yon kesa ang maiwan ko na naman sila.
"Why?"
"Huh?" Napakurap ako dahil sa tanong ni Daddy. Bakit? "A-Anong bakit Dad?"
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"