Jairah POV
"Hindi tayo kasya sa isang--" Napatigil si Ellaine sa pagsasalita. Maging ako ay nahinto sa paglakad.
"Wait lang Jai!!" Tuloy tuloy syang pumunta sa tinu-topak na si Jhea. Mabilis syang pumunta sa harap para ipasan ito.
Napakagat ako sa labi ko dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa ginawa nya. Hindi nya man lang hinintay na sumagot ako o um-oo bago sya tuluyang umalis. He left me in the front of my friend. Crap!
"Tuwang tuwa ka pa?!" Hindi ko naiwasang singhal sa nasa likurang si Xan. Naiirita akong pakinggan ang masayang boses nya habang kinu-kwento ang ginawa nya kay Jhea. Dahil sa ginawa nya..... Si Jhea na naman.
Hinawakan ni Ate Jairen ang braso ko. Napalingon na rin sa amin sina Zach na nasa harapan.
"Anong problema mo?" I choose to walk away kesa makapagsimula pa ako ng eksena. Tumabi ako sa nagkakaingay na sina Rexel.
"What the Fvck Jai? Really? Bakit mo naman pagsi-selosan si Jhea!! Naririnig mo ba ang sarili mo?" Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Kunyari wala akong naririnig. I bit my lower lips para patigilin ko ang sarili ko sa paghikbi. Ayokong malaman nyang umiiyak ako. "C'mon!! Paano ito maaayos kung tatakbuhan---"
"Hindi na ito maaayos!! Maghiwalay na tayo Liam!! Ayoko na!!" Tinakbo ko ang elevator. Mabilis kong pinindot ang number four.
He was there. Standing chill. Siguro kung si Jhea ang tumakbo palayo sayo ay madapa-dapa ka ng maghahabol. Siguro kahit masugatan ka ng marami mahabol mo lang sya at mayakap balewala.
"Ano ka ba Jai? Pinaghirapan nyong ayusin yung relasyon nyo tapos---"
"Sya ang sumira--"
"Ikaw!!!" Sya Ate. "Ano ba? Hindi ka na bata!! You're already 22 Jairah!! Konting away hiwalay agad ang nasa isip mo!!" Yumuko ako sa mga tuhod ko. You don't understand. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko, ang ipinaparamdam nya sa akin Ate.
Kapag nasa paligid si Jhea parang hindi ako nag-i-exist eh. Pag nandyan si Jhea kung hindi ko pa sya kakalabitin hindi sya matatauhan. Okey lang naman sa akin Ate eh. Iniintindi ko sya, ginagawa ko ang best ko para hindi magselos kay Jhea ang kaso sya ang nagbibigay sa akin ng dahilan.
Sana i-balance nya. Sige na! Kahit hindi na ako ang lamang, ayos na 'yon. Wag lang yung pinaparamdam nya sa akin na pangtira tirang oras lang ako.
"Ayoko!! Walang tao doon eh!!" Mabilis na umangat ang mukha ni Liam na nasa balikat ko. Nandito lang kami sa shore, nakaupo ako habang sya ay nasa likod ko, nakayakap. "Sige na Daryl!! Nagugutom na nga ako eh!!" Sigaw nya ulit.
"Ano 'yon Jhe?" Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin.
"Ayaw kasi nila ako samahang kumuha ng pagkain sa taas!!" Alam ko na ang kakahantungan nito.
"Nasaan ba sila Ice?" I bit my lower lips. Please! Wag kang umalis.
"Ayun oh!! Nasa gitna na sila!! Ayaw akong samahan ni Daryl!!"
"Hayst!! Jai wait lang! Babalik din ako!" Again! He even didn't wait for my response.
"Ate tara!! Sama ka!!" Umiling ako bago ibalik ang paningin ko sa dagat. Buti pa sila masaya.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Novela Juvenil"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"