Chapter 38: Courting

537 18 0
                                    

Trix POV

"Bakit ba kasi kayo nangingialam?? Wag na sabi kayong mangialam dahil nakakagulo kayo!!" Sampal ni Jairen ang nagpatigil kay Vince. Nahilot ko ang sentido ko ng pagtinginan kami lalo dito sa cafeteria.


Nagkaka-initan kaming lahat. Poisonous with the rest. After the day we visit her ay hindi na nasundan pa, ni-ban na kami ni Zero sa village na 'yon. At ang tanging pagkakataon lang na nasisilip namin ay ang maghintay na lumabas sila doon, sundan sila para makausap si Jhea.


Matagumpay naming nagagawa 'yon. Though we can't get close to her totally, at least nakikita namin sya at kahit paano ay nakakausap ng malayuan. But then, kahapon ay sabay sabay kaming napunta sa presinto dahil sa pagpapadampot sa amin ni Zero.


"Nakakairita para tayong tanga na nanonood lang sa kanilang dalawa!!" Tinapik ko ang katabing si Daryl. Umiling sya at muling sinulyapan si Jhea na nakahilig kay Zero.

Naiirita ako. How I wish na tumayo at sugurin ang walang hiya na 'yan. Hindi matanggap ng sistema ko na dumidikit sa kanya ng ganyan si Jhea. Hindi ko matanggap na ganyan ka-sweet sa kanya si Jhea. Na ganyan sya kalapit sa lalaking 'yan. Gusto kong sapakin sya, kung hindi ko lang talaga naiisip na mas matatakot sa amin si Jhea.

"Jhea?" Ngumiti agad kami ng bumaling sya sa amin dahil sa pagsigaw ni Bryle. "Nakakainis ka!!" Nag-iwas sya ng tingin. Oo! Gano'n lang, alam kong para kaming tanga na sumisigaw para lang sa sulyap nya. Pinagtitinginan na kami ng ibang kumakain, may maririnig pa kaming bulong na insulto. But who cares? We courting her, balewala lahat ng kahihiyan.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon