Chapter 11: Decision

387 18 0
                                    

Jhea POV

Nakapikit kong binalikan ang lahat. Hinayaan kong sunod sunod na umagos ang luha ko habang bumabalik lahat lahat.

Kung paano ko sila nakilala, kung ano-ano ang naging reaksyon nila, kung paano nila ko asarin nung una, kung paano unti-unting nagbago ang trato nila sa akin, kung paanong mula sa walang pakialam, ay naging maalalahanin sila at mapagmahal. Kung paano nila ako pagalitan no'n kapag sumisilip ako sa terrace, kung paano nila akong tulungan isuot yung coat, mask, at yung cap ko pag lumalabas. Lahat ng bonding namin na hindi mawawala ang pagbatok namin sa isa't-isa. Kung paano nila ako tawaging prinsesa, kung paano sila ngumiti sa akin, kung paano nila ko kwentuhan ng mga personal na bagay tungkol sa kanila, kung paano nila ako alagaan, kung paano nila iparamdam sa akin na isa akong espesyal na babae sa kanila--- a-at kung paanong--- k-kung paanong lahat 'yon ay biglang naglaho.

Akala ko ay magtutuloy tuloy na ang pagbabalik nyo. Kahit paano kasi ay naging sweet kayo sa akin sa loob ng tatlong araw. Pati si Xan ay bahagya ng ngumingiti sa akin, maliban kay Ice na nanatiling malamig at pinipilit umiwas sa pamamagitan ng pagbababad sa opisina.  Pero akala ko lang pala lahat. Dahil hanggang tatlong araw lang ang lahat.

Nakikita kong sinusubukan nyo, nakikita ko ang effort nyo na i-trato ako ng gaya ng dati at iparamdam sa akin na mahal nyo ako. A-At ang sakit sakit na alam kong nag-i-effort na nga kayo pero gano'n pa rin, ang lamig nyo pa rin. Gano'n na ba ako kahirap mahalin? Hindi na ba ako pwedeng maging prinsesa nyo ulit? Hindi na ba talaga kayo babalik? Sa ganito nalang ba tayo iikot?

"You are the Poisonous Gang Princess. Only you, Jhea Vasquez!!" Nasaan na? Bakit di ko na maramdaman ang pagiging Prinsesa ko? Bakit nyo ko ginaganito?

"Ang swerte mo nga eh, para kang si snow white. Iyon nga lang hindi 7 dwarfs ang kasama mo---- kundi 8 oh so handsome knights wahahahaha!!" Knight kayo dyan. Ang knight pino-protektahan ang prinsesa nila, hindi sinasaktan. Kaya bakit nyo ko sinasaktan? Diba knight ko kayo?

"If ever someone hurt you, just tell us, we will punish them in our own Poisonous way!! Papatumbahin sila ng gwapong si Trix" Edi parusahan nyo na yung mga sarili nyo. Gusto ko susuntukin nyo yung mga sarili nyo sa harap ko. Mga baliw kayo!

"If ever we hurt you punch us hard. Kahit ilan ang gusto mo beshy!!"  Paano ko gagawin 'yon ngayon? Samantalang wala akong lakas dahil sa ginagawa nyo sa akin? Paano ko gagawin 'yon kung tingin nyo pa lang ay sobra na akong nanghihina?

"We are always here for you no matter what, kahit ang pangit mo!!" All of you are here, but not to love and care me, because you just here to hurt me and give pain in my heart. No matter what kayo dyan? Sinungaling!

"AHHHHHHHHHH!!! HUHUHUHU!!"

Bakit? Bakit gano'n? Bakit kahit gaano nyo ako nasasaktan ngayon ay hindi ko magawang magalit sa inyo ng husto? Bakit puro pagtatampo lang ang meron dito sa dibdib ko? Gusto kong magalit sa inyo!! Gusto ko!! Umaasa ko na baka pag nagawa kong magalit sa inyo ay makaya ko na kayong iwan pero kahit anong pilit ko, hindi ko talaga magawa eh. Hindi ko kaya!!

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon