Chapter 48: Only us

422 19 1
                                    

Jhea POV


"Clyde kain na!!" Sigaw ko kasabay ng marahas na pagpihit sa doorknob. "Clyde kain na!!" Inis ng sigaw ko habang sinisipa sipa ang ang pintuan nya. Tulog ba sya?


Hindi na ako nagulat ng maramdaman ang presensya nila sa likuran ko.


"Jhea hayaan mo na muna sya!!" Umiling ako kay Xan. Hindi pwedeng hahayaan ko lang syang unti-unting patayin ang sarili nya. Ilang araw na syang ganyan ah! At hindi ako naniniwalang may oras syang pumunta sa mga fast food pag wala sya dito sa bahay. Siguradong alak lang ang alam nyang ilaman sa sikmura nya.



Simula nung araw na kinumpronta sya ni Ate Jairah ay naging malamig na sya sa aming lahat. Nilunod nya ang sarili nya sa pag-iinom, pamba-babae at kung anu-ano pang mga walang kwentang bagay.


Sa totoo lang nagtatampo ako sayo. Kasi naman nagsisimula pa nga lang kayong bumawi sa akin eh, tapos ganyan ka na. Parang pakiramdam ko tuloy ay wala ka ng pakialam kung maging maayos man o hindi ang relasyon nating dalawa.



Pero naiintindihan kita. Naiintindihan kong sobrang nasasaktan ka lang talaga sa kung anong nangyayari sayo. Sino ba namang hindi diba? Nagkaroon kayo ng magandang simula, nagpatuloy ng mahigpit ang kapit sa isa't isa, sa madaling salita meron kayong mala-librong love story sa sobrang ganda. Pero kasi Clyde kahit anong gawin mo hindi mababago no'n ang katotohanang magkapatid kayo. Kung kami nga na alam ang kwento nyong dalawa ay hindi kayo masuportahan, paano pa ang iba? Mali kasi Clyde, kahit saang anggulo tignan mali.


"Clyde!!" At ngayong gulong gulo ka nandito ako. Kung hindi mo na kayang alalahanin pa ang sarili mo ako nalang. Ako nalang ang magpapaalala sayo na buhay ka pa na kailangang kumain.



"What is your problem!?" Sa wakas. Pagkatapos ng halos sampung minutong pagsipa ko sa pintuan nya ay binuksan nya na rin.

"Kumain ka na!!" Malamig nya lang tinignan ang hawak kong tray pagkatapos yung mga nasa likuran ko.


"Wala akong gana--"

"Hindi pwedeng wala kang gana. Ilang araw ka ng--"


"Wala kong gana--"


"Hindi nga sabi pwedeng--"

"Bakit ba ang kulit mo!!!" Bahagya akong napatalon sa biglang pagtaas ng boses nya. Uminit ang gilid ng mga mata ko dahil sa galit na nakapaloob sa boses nya. Para sa akin ba ang galit na 'yon?


"Clyde!" Humigpit ang hawak ko doon sa tray ng maramdaman ang galit sa boses nila.


"K-Kumain ka na muna hindi ka kumain kaninang umaga eh, pati kahapon at nung nakaraan. Baka mapaano ka na nyan!!" Pilit kong pinalambing ang boses ko para lang makumbinsi sya.


POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon