JHEL💙
(Hello👋👋👋 Alam nyo namang inosente akong tunay😀😀😀 WAHAHAHAHAHAHAHA😂😂😂 Iyon nga lang nabulungan kasi ako ng panty ni pipay😅😅😅 So yeah notice this😄😄😄🚫⚠WARNING⚠🚫
Simula po sa chapter na 'to hanggang sa mga susunod makaka-encounter kayo ng mga steamy scene😛😛😛 Iyon lang po and salamuch😘😘😘)
Jhea POV
Sa lahat ng lamesa dito ang amin ang pinakamaingay. Hindi ko alam kung dahil ba sa mas marami kami, o sadyang wala lang pakealam ang PG. Para silang nasa bahay lang kung umakto.
"Ako na ang una!!" Sigaw ni Daryl habang pinipigilan ang pagtayo ni Trix. Ngumuso ako ng magmurahan sila, buti nalang nag-CR si Daddy. Siguradong masasaway na naman sila nito dahil sa pagmumurahan sa harap ko.
"Lagi nalang ikaw!! Ako una!!" Sigaw ni Trix pabalik. Napakamot na ako sa ulo ng parehas silang naghihilahan para ibalik ang isa't isa sa sariling upuan.
Nakakaagaw na sila ng atensyon dahil sa kaingayan nila. Ang iba ay painosenteng nagku-kwentuhan na tila ba hindi nila kilala ang dalawa.
"Double time!!" Sigaw na naman ng naiiritang si Rexel sa kanila. Umalis ito sa sarili nilang lamesa na katabi lang ng amin, pagkatapos ay nagpamewang sya sa gilid. "How can we follow the time management if you keep acting like a child?"
Ang kukulit kasi ng mga 'to eh. Bakit pag part na nila nagkakagulo na? Maayos ang naging pagsasayaw namin ni Zero, maging ni Daddy, pati nina William at Zach. Tapos nung sila na, hayst! Ito sila at para na namang mga baliw.
"Dapat talaga noon pa lang pinag-usapan na natin ang pagkakasunod-sunod nilang walo!!" Tila sukong sukong boses ng nasa kabilang lamesang si Marj habang nilalaro ang baso na may lamang champagne.
Parang walang pakealam ang PG sa sinasabi ng iba sa kanila. They keep chatting. Napakamot na ako sa ulo ko, pag hindi pa sila tumayo dyan ayoko ng makipagsayaw sa kanila!!
"Let's dance!!" Nabigla ako sa pagtayo nya, ang maingay na mesa namin ay binalot ng katahimikan ng ilahad sa akin ni Clyde ang palad nya. Namamangha kong pinatong doon ang kamay ko bago sumulyap kina Daryl at Trix na kapwa nakanganga. Hindi naman sa ayaw ko syang makasayaw, ang inaasahan ko kasi ay isa kina Trix ang mauuna.
Nang makabawi sa pagkakagulat, hindi ko napigilang matawa. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya, bago parang batang isukbit 'yon sa braso nya. Nang marating namin ang stage agad kaming humarap sa isa't isa. He guide my arm towards his shoulder, while the another entwined to his arm. Napangiti ako ng komportable nyang nilagay ang palad sa bewang ko.
My first dance to Clyde Cervantes, ang napakasungit, suplado, at harsh na miyembro ng Poisonous Gang.
Clyde POV
As the music starting to play, nagsimula na rin kaming gumalaw pareho. I want to remain serious pero hindi ko magawa dahil nahahawa ako sa pagngiti nya. She's smiling right now na tila ba napakasaya nya sa pangyayaring 'to.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"