JHEL💙
Hindi ko alam kung bakit nagkukusang ma-unpublish yung ibang part😫😫😫 Ngayon ko lang napansin na na-unpublish pala kahapon 'tong chapter 12😶😶😶
Bryle POV
"Pare-parehas natin syang mahal at ayaw masaktan pero wala eh" Napapailing kong sabat.
"Pero nasasaktan na sya at tayo ang dahilan no'n" Si Liam na prenteng nakaupo sa long sofa.
"Tumigil na nga kayo!! Ang pa-plastic nyo eh!!" Singhal ni Daryl sa amin. "Mga ningas kugon" Napaawang ang bibig ko ng biglang hatakin ni Trix si Daryl dahilan para mapatayo sya sa pagkakaupo sa sofa.
"Stop washing your hand Daryl. You're like us too at wag mong sasabihin na hindi dahil nakita ko 'yon mismo" Pang-asar syang humalakhak bago marahas na tabigin ang kamay ni Trix na agad napabitaw sa kwelyo nya.
"Wag mo kong kukwestyunin Trix!! Dont you ever!!" Sya naman ngayon ang humatak sa kwelyo ni Trix. Matiim nya itong tinignan.
"Daryl enough!!" Saway ni Vince. Nginisian lang sya ni Daryl.
"Stop boasting guys!" Sabat na naman ni Liam na pilit inaalis ang kamay ni Daryl.
"What are you doing now is nonsense. Hindi kayo nakakatulong!!" Pagalit ni Clyde. Nanatili akong tahimik, gano'n din si Ice at Xan na halatang wala ang interest sa amin.
"Let me say this!!" Seryosong sabi ni Daryl bago pabalibag na binitawan si Trix. "Soon--- Soon pagsisisihan nyo lahat!! Soon guys!!" Tumulo ang mga luha sa mata nya. Lahat kami ay napaawang ang bibig dahil sa gulat. Isip bata si Daryl pero hindi nya ugaling ipakita ang mga luha nya, kaya nakakagulat na ito sya ngayon, hinahayaang makita naming lahat ang luha nya. "I may not like before. Siguro nga hindi na katulad ng pagtrato ko noon kay Jhea ang pinapakita ko ngayon sa kanya, p-pero hindi kasing sama ng pagtrato nyo ang ginagawa ko!! Ginagawa KO!! TANGING AKO LANG!!" Galit nya kaming tinignan lahat. Kitang kita ang ningas ng galit sa kanyang mga mata. Dismayado syang tumango tango. "Sinabi ko na sa inyo kung sino si Madison sa akin diba? Siguro naman alam nyo kung gaano rin ako n-nasasaktan" Lumabas ang munting mga hagulhol sa labi nya. Kinagat nya ito bago bumuntong hininga. Pinahiran nya ang luha nya pero mabilis itong napapalitan. "Nasasaktan din ako pero paano ko iindahin ang sakit na 'yon? PAANO HA? Alam kong may isang taong mas nasasaktan kesa sa akin, at ang masama pa ay mahal na mahal ko ang taong 'yon!!" Naupo sya sa sofa at nagpatuloy sa pag-iling. Wala kahit isa sa amin ang nagtatangkang pigilan sya sa pagsasalita, dahil siguradong mapapahiya lang kami at madadamay sa pagsasalita nya.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"