Daryl POV
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko ng makita si Jhea sa pintuan. Halatang halata ang namumugto nyang mata. Ngumiti sya sa akin bago sumulyap kay Ice na walang pakialam, nananatiling nasa TV lang ang atensyon nito at halatang hindi interesado sa isasagot ni Jhea. Kinagat muna ni Jhea ang pang-ibabang labi nya bago bumaling sa akin.
"Nakiusap kasi si Dad na doon ako mag-dinner eh" Nilingon nya ang iba, at maging ako ay nasaktan ng makitang halos lahat ay nasa TV ang atensyon. Ako lang yata at si Liam ang nakatingin sa kanya. "Kumain na kayo?" Lumipat ang tingin nya kay Clyde. Umiling lang ito. "Gusto nyo doon muna ko kina Dad?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nya.
"Bakit?!" Biglang tanong ni Vince
"Para kasing kailangan nyo ng space? Babalik nalang ako kung kailan okay na kay----"
"Paano kung hindi na kami maging okay? E di hindi ka na babalik?" Nanlaki ang mata ko sa sinabing 'yon ni Xan
"XAN!!!"
"K-Kung g-gusto n-nyo!!" Nilingon ko sya. At doon ko nakita ang nag-uunahang luha sa mga mata nya. "S-Sabihin nyo lang sa akin.... s-sabihin nyo lang k-kung ayaw nyo na ako dito... h-handa naman akong umalis" Tumayo ako at mahigpit syang niyakap.
"Hindi ka aalis!! Dito ka lang" Madiin kong sinabi bago lingunin ang nakangising si Xan. "Kung gusto mo ikaw ang umalis" Kumuyom ang kamao sa reaksyon nya.
Jhea POV
"Hindi ka aalis!! Dito ka lang" Bumaling sya kay Xan "Kung gusto mo ikaw ang umalis" Kinalas ko ang mga kamay nya at bahagyang ngumiti. Isang ngiti na sobrang hirap gawin sa mga oras na ito. Hinampas ko sya ng bahagya.
"A-Ano k-ka... ba!! Wag... kang gan...yan....." Tumigil ako. Dahil maging ako ay hindi na naiintindihan ang sariling sinasabi dahil nilamon na ito ng mga hagulhol ko.
"Jhea!!" Awang awang tawag nila sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko. Pero kahit gano'n nag-angat ako ng paningin sa kanilang lahat, gusto kong makita ang mga mukha nila.
Ang walong lalaking 'to. Naging malaking parte sila ng buhay ko. Sa loob ng ilang buwan, sila ang naging sentro ng buhay ko, sila ang naging pamilya at naging lahat lahat sa mundo ko. Masasabi ng iba na maikling panahon 'yon, pero para sa akin, katumbas iyon ng isang dekada, isang dekada na gusto kong ikulong sa mga palad ko hanggang nabubuhay ako. Gusto ko sana doon nalang sa mga oras na iyon iikot ang mundo ko, pero kasi sinasampal sa akin ng mundo at tadhana ang katotohanang hindi pwedeng manatili ang mga bagay bagay. Na darating talaga sa puntong babawiin sayo ang bagay na gustong gusto mong manatili. Pero gusto kong labanan ang mga hadlang na iyon. Gusto kong manatili sa inyo.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"