Jhea POV
Nagising ako dahil sa pangangalay ng hita ko. Napapangiwi kong hinawi ang kung anong nakadagan doon. Ang sakit ng ulo ko, halos ayaw kong dumilat, lalo naman ang gumalaw dahil ang tindi talaga ng kirot. Napaingit na ako ng mas maramdaman ko ang sakit.
"What's the matter?" Hindi ko na kailangang dumilat. Kilala ko na agad kung sino ang taong nakayakap sa akin.
"I-Ice ang sakit ng ulo ko!!" Wala akong pakialam kung nagmukha akong maarte. Sobrang sakit talaga. Ilang beses na akong uminom, pero ito na yata ang pinaka-matinding hang-over na naranasan ko. "A-Aray ang sakit ng ulo ko!!"
"Buti nga sayo!!" Lalo akong napaingit ng marinig ang sinabing 'yon ni Xan. Alam kong ako ang sinasabihan nya. Umayos lang talaga ang pakiramdam ko lagot ka sa akin.
"Sinabi na kasing isang bote lang eh!! Buti nga sayo!! Sana mas sumakit pa 'yan ng madala ka!!" Napaiyak ako dahil sa sinabing 'yon ni Vince. Pakiramdam ko tuloy ay wala silang pakialam sa akin dahil sa mga sinasabi nila ngayon.
"Tama!!" Si Liam. Narinig ko ang tunog ng pagngisi ng nakayakap sa akin. Madiin akong pumikit dahil mas sumasakit ang ulo ko dahil sa iritasyon.
"Bitawan mo nga ko dyan!!"
"Why?" Why why ka pa dyan. Gaya nila mukhang sang-ayon ka rin sa ideya ng pagsakit ng ulo ko.
"Suntukin ko kaya kayo dyan!! Akina Jhe hihilutin ko!!"
"Let me!!"
"Ako na!!"
"Wag! Hayaan nyo 'yan ng madala!!"
"Oo nga!!"
"You want to be a boozer? Go on!!"
Kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit ko pa ring bumangon at dumilat. Hinagilap ko agad ang tatlong 'yon na kanina pa ako inaasar.
"Nakakainis kayo!!" Naiinis ako habang nakikita ang pagsalo nila ng mga unan na binabato ko. "Hindi ko na kayo papansinin kahit kailan!! Akala nyo dyan!!" Hindi ko mapigilan ang paglabas ng sunod sunod na hikbi ko habang nakayakap kay Daryl.
Hindi nyo alam kung gaano kasakit ang ulo ko tapos ginaganyan nyo pa ako. Naiinis ako sa inyo. Nakakainis kayo!! Sasakitan din kayo ng ulo akala nyo.
"Jhe joke lang!!"
"Tara na dali hilutin ka na namin!!"
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"