Chapter 50: Waker

441 22 3
                                    

Jhea POV

Four pa lang ay nagising na ako. Hindi masyadong maganda ang tulog ko dahil mag-isa ako sa kwarto, tapos ang laki pa ng kama. Hindi ako komportableng matulog sa ibang bahay mag-isa... natatakot ako eh.

Lumabas ako habang umiinat-inat. Ang sakit ng tiyan ko. Nature calling me. Papikit pikit pa akong bumaba at dumiretso sa kusina, tumakbo ako sa CR at buong lakas iyong binuksan at.....

"Fvck!!" Marahas na mura ng nags-shower na si Ice. Nakahawak ang isang kamay nya sa wall, tapos yung isa... ayokong tignan. Oh my gosh! Hindi na ako nag-sorry. Tatlong beses akong umatras tapos malakas na hinatak ang pintuan.

Wala na!! Umatras ang kalikasan dahil sa gulat ko kay Ice. Hindi ko alam kung bakit nakatitig pa rin ako sa pintuan ng CR, para akong tanga na nagkakagat ng kuko dito. Bakit naman kasi hindi sya nagsasara ng pintuan.

Speaking of. Biglang marahas na bumukas ang pinto. Parehas na nanlaki ang mata namin, nahihiya akong nagkamot ng ulo sa harap nya, alam kong namumula ako sa kahihiyan.

"You don't know how to knock?" Natatawa nyang tanong. Ngumuso ako

"You don't know how to lock?" Pagbabalik ko ng tanong. Tumawa sya at ginulo ang buhok ko.

"I didn't expect na may gising na ng ganitong oras. Mabuti nalang mabait ang mata mo!!" Nanlalaki ang mga mata kong hinampas ang kamay nya bago mabilis na sumugod sa likod nya.

Pagdating ko sa loob ay nagtata-talon ako. Tinakpan ko ng palad ko ang mukha ko ng mag-flashback sa paningin ko ang posisyon nya. Ano bang hawak nung isa nyang kamay? What? Ang bastos ko.

"Uy! Sino bang tao dito? Ilang oras ka na dyan uy!!" Kumakalampag ang pintuan dahil kay Vince. "Si Jhea? Bakit di sumasagot? Jheeeee? Tae palabas na!!" Naluluha akong lumabas. Gusto ko na sanang tumira nalang dito. Nakaasar, napakagandang umaga, note the sarcasm. "Hindi ka man--"

"HEH!!"

"Oh! Ano na namang problema mo?" Hindi ko sya pinansin. Babalik sana ako sa taas pero sinalubong naman ako ng dibdib ni Bryle.

"Ano ba 'yan? Pumunta lang tayo dito sa Tagaytay para lagi kang sumpungin?" Kumikinang sa paningin ko ang ngisi ni Ice na nakakahilig sa counter.

"Kasi ih!!" Naiirita kong dabog. Bumubungisngis na si Ice.

"Ano 'yon?" Si Xan. Subukan mo lang magkwento dyan.

Ako ang unang naligo at ng matapos ako ay lumabas ako para pumunta kina Ate.

"Oh Jhea'ng chipipay!! Ikaw pala 'yan!!" Tipid lang akong ngumiti kay Rexel. "Pasok!"

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon