Madison POV
"Bakit kasi kailangan nyo pang lumayo? May mga bakanteng kwarto dito doon nalang kayo!!!" Napatigil ako ng marinig ang iritadong boses ni Jairen sa kusina. Ano bang pinag-uusapan nila ni Clyde?
"We need privacy. Do you think we can have that inside this house that full of your men?!" Humakbang pa ako ng isang beses sa pintuan para mas marinig ang pinag-uusapan nila.
"Do you need smoke filled room? Are you a politician?" Pang-aasar nya. "And besides I don't think so na interesado ang mga tauhan namin sa pag-uusapan nyo ng mga ka-gang mo "
"Tsk!! Just say kung may alam ka, ang dami mo pang paligoy-ligoy!!" Binato sya sa mukha ni Jairen ng cookies kaya naman iritadong syang napapikit.
"Oh wait--- I remember" Maya-maya'y manghang usal niya habang patuloy sa pagnguya ng cookies "Meron nga palang tree house dito na sinabi sa akin si Madison. Medyo malayo nga lang"
"Its fine" Simpleng sagot ni Clyde.
"Goodluck!" Mabilis na akong umalis ng makitang papalabas na sila ng kusina. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang apat na baril na nakalaan para sa apat kong kaibigan. Inipit ko 'yon sa tagiliran ko. Hingal na hingal ako ng makarating sa malaking puno na pinaglalagyan ng tree house. Mabilis kong hinukay ang baba ng puno kung saan nakatago ang remote. Pinindot ko 'yon kaya naman mabilis na bumaba ang hagdan mula sa taas. Isinuksok ko sa mga cabinet ang apat na baril na 'yon. Alam kong magkakalkal kayo dito, sana makita nyo 'to para ma-protektahan nyo ang prinsesa nyo.
Its already 10 ng makabalik ako sa rest house. 11, 12, 1, 2, and 3. Limang oras mula ngayon ay isasagawa na ni Daddy at Mommy ang mga plano nila. Ilang oras mula ngayon--- posibleng katapusan ko na. Ilang oras mula ngayon ay magmimistulan akong bayani.
Naupo ako sa kama. Heto na naman ang kaba sa dibdib ko. Heto na naman ang takot at pagdadalawang isip, ito na naman ang ideyang nagsasabing 'wag ko ng ituloy'.
"MADISON!!! MADISON!!!" Napabalikwas ako ng marinig ang nanginginig na boses ni Chrissy na sinasabayan pa ng mararahas na pagkatok.
"Nandyan na ang Mommy at Daddy mo!!" Pakiramdam ko ay automatic na tumigil ang paligid dahil sa sinabi ni William. T-Teka? Bakit ang aga nila, diba 3 sila dadating?
"N-Nahuli na nila ang tatlong Vasquez including Zero. Your father already killed other Vasquez goons, yung iba nakatali kasama nina Jairen" Hinihingal na dugtong ni Zach.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"