Jezil POV
"Ouch! My head!!" Dahan dahan akong dumilat. Sumalubong sa nanlalabo kong paningin ang nakaupo sa kamang si Hera habang hawak ang ulo nya. "Jezil!! 9 na!" Umungol lang ako bago nakangiwing bumaling sa kabilang side para talikuran sya.
Nakakaasar kasi eh! Sabi ko konti lang ang iinumin ko pero heto ako, parang pinang-lampaso ang ulo dahil sa sobrang sakit. Argh! Ang dami ko palang nainom kagabi. Halos naka-limang bote ako ng tequila. Hayst!
"Jez stand up!!"
"Mauna ka na Hera. Masakit pa ang ulo ko!!"
"Bahala ka!! They all preparing downstairs!!" Napaingit ako sandali bago padabog na bumangon. Bwesit!! Gusto ko pang matulog eh. Halos 3 am na rin kaming umuwi. Wala man lang ba silang kapaguran?
"Lalabas daw tayo ng resort. May pupuntahan daw tayo!!" Nagkakamot ako sa ulong naupo sa sofa habang masamang tinitignan si Ellaine. "Anong problema mo?"
"Kanino na naman bang ideya iyan? Hindi ba pwedeng bukas nalang? Kainis naman eh! 3 na kaya tayo umuwi, wala kayong kapaguran?" Panay ang piksi ko habang nakasalampak sa sofa.
"Ang sakit mo sa mata Jezil!! Itigil mo nga 'yan!! Ideya 'yon ni Aimee, libre naman daw nya!!" Matalim pa rin ang mga mata ko ng sulyapan ang bumababa sa hagdang si Aida, ayos na sya at mukhang magmi-make-up nalang. "Hayaan mo na!! Let's enjoy the moment!!"
"Yeah!" Si Marj na mukhang wala naman sa amin ang atensyon. Abalang abala sya sa pagsi-cellphone.
Bumuntong hininga ako ng makitang bumukas na ang CR at lumabas na si Hera. Padabog akong naglakad papasok bitbit ang tuwalya ko.
Nakakaasar naman eh! Masakit pa ang ulo ko dahil sa hindi maayos ang tulog ko kakaisip kay Beam, idagdag pa ang sobra-sobrang alak na nainom ko. At gustong gusto kong magpahinga at matulog ng mas mahabang oras, pero ito kami. Ito na naman kami naghahanda papunta sa kung saan, nilulubos lubos talaga nila ang isang linggong bakasyon dito sa Tagaytay. Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko eh, masaya nga pero grabe nakakapagod. Kung alam ko lang na aalis pala kami ngayon e di sana hindi ako nagpakalunod sa alak.
"Saan ba tayo magkikita kita?" Pakiramdam ko ay sobrang sira ang araw ko. Kainis talaga!
"Jezil pwede ba takpan mo yang gusumot mong pagmumukha? Nakakahawa yung topak mo!!" Ngumiwi lang ako kay Aida na nasa shotgun seat bago humilig sa balikat ni Hera. Matutulog nalang siguro muna ako habang nasa byahe papunta sa restaurant kung saan daw kami kakain.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"