Bryle POV
Until now hindi ako makapaniwalang hindi ka pa rin namin kasama. Na kahit na doble ang ginagawa naming effort para mahanap ka, ay ito pa rin kami, nananatiling clueless kung nasaan ka.
Its more than one year Jhe. Gano'n ba talaga katindi ang galit mo sa amin para tiisin kami ng ganito katagal? No! I'm not demanding of course, after all thorn that we threw on you, we deserve all physical and emotional sore. I know we deserve all of this, pero Jhe! Pwede bang kahit konting hint lang? Kahit iparating mo lang sa amin na maayos ka, ayos na. Okay na 'yon sa akin, kasi alam mo ba kung bakit kami nangangamba ng todo? Kasi wala kaming alam sa kung anong kalagayan mo. Kahit konti.
Maayos ka ba?
Kumakain ka ba ng tama?
Nakakatulog ng maayos?
Nasaan ka? Malinis ba dyan?
Ligtas ba dyan?
At marami pang katanungan na minsan nakakatulugan ko nalang. At ang sakit na hanggang kinabukasan nananatiling tanong lahat ng 'yan. Please! Kahit konting clue lang.
"Ano ba 'yon?" Iritang bungad ko agad sa linya. Humalakhak agad si Xan, Liam, at Aimee na katabi ko. Samantalang si Marj na nasa likod ay walang pakialam.
"We need to buy ingredients for vegetable salad. Pumunta ka dito, pengeng pera wala akong dala!!" Napanganga ako at hindi makapaniwalang sumilip sa screen ng cellphone ko. Wow! Ang kapal naman ng mukha mo, makaasta ka para kang may utusan ah!
"Tsk! E di ikaw ang pumunta dito. Para kang boss makapag-utos ah!! Malapit na kami sa Business Department, alangan naman bumalik pa ako para sayo. Ang layo ng Culinary Department dito! Bahala ka!" Humalakhak ako ng marinig ang malakas nyang sigaw na naputol dahil sa pag-end ko ng call. I-block ko number mo dyan eh.
"Maghintay ka lang Bryle, susugurin ka no'n mamaya" Humalakhak lang ako sa pananakot na 'yon ni Liam. So what? Ang dali daling ilagan ng mga suntok no'n eh.
Wala pa ang professor pagdating namin kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon para silipin ang Facebook account ko na puno ng mga message ko with airport manager. Supposed to be ay hindi na kami pwedeng pumunta sa ibang lugar dahil simula na ang klase namin bilang 2nd year college, masyado yung hassle ngayon kumpara nung bakasyon na bakante kami buong araw.
"How dare you!! Pinaglakad mo pa talaga ako ng malayo!!" Tumilapon ang cellphone ko at tumalsik 'yon sa mukha ng isa sa mga kaklase kong mukhang nerd. "Akina yung pera!!! I need to buy it now dahil kailangan na namin!!" Argh! 'Yan na naman ang mala-megaphone nyang bunganga na laging agaw atensyon.
"Sorry ha!?" I pinch her cheek ng makita ang pamumula nito. She just nod kaya ngumiti ako bago galit na balikan si Shanon. Naiinis ko syang hinatak palabas ng classroom. "Pwede ka namang manghingi ng maayos!! Kailangan mo bang manghampas?!" Umirap na naman sya, isang bagay na ayaw na ayaw kong ginagawa nya dahil nakakairita. Lahat sa babaeng 'to nakakairita, kahit ang maganda nyang mukha ay hindi ko ma-appreciate. Kainis!
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"