Ellaine POV
Pang-apat na araw ng nawawala ni Jhea. Sa totoo lang wala talaga kaming makalap na kahit anong bakas kung saan sya pumunta. Walang bakas na iniwan ang mga kumuha sa kanya, basta ang sigurado lang ay mga bihasang agent ito. Nang magising sina Zero nung araw na 'yon ay galit na galit ito dahil hindi daw nila lubos maisip kung paano sila nasundan ng mga ito, lalong lalo na ang malagyan ng pampatulog ang mga pagkain. According to Matias maybe around 10 of the evening ng madukot si Jhea, iyon din yung araw na nag-collapsed si Tito Jacob. Then the next day we found out she's missing. Buong araw kaming naghanap lahat maliban kay Shanon na hindi pinayagan ni Bryle dahil kailangan pa daw nito bantayan ang anak nilang si Shyle. Hera or Ailee is need to rest kaya kahit gusto nyang tumulong ay hindi sya pinayagan. Then on the third day, all question about how those agent have an access to them are answered after Zero found out that one of their personal security guard betrayed them. Ang katwiran na binigay nito hawak daw kasi nung mga agent ang pamilya niya kaya nya nagawang sundin ang mga utos ng mga ito. Halos hindi na makilala ang mukha nung security guard matapos itong paulit ulit sapakin ni Tito Jacob, ni Zero, ni Matias at maging nung isa nitong kasamahan. Even PG wants to blow a punch, pinigilan lang sila dahil baka mamatay ng tuluyan yung lalaki. Sa mga oras na 'yon ay tila halimaw na makakapatay si Tito Jacob.
"Trust me Clinton hindi kita bubuhayin pag may masamang nangyari sa anak ko!!"
"I'm just a father too!! I'm sorry boss!!" Kita ko ang bahagyang pag-amo ng mukha ni Tito Jacob, pagkatapos ay muling dumilim ang ekspresyon. Bumagsak ang bubog ng glass sliding door sa sahig matapos itong suntukin ni Tito Jacob. Mabilis syang inilayo doon ni Ice at Vince na syang pinaka malapit dito.
This is the fourth day. Halos lamunin na ng eyebag ang mukha namin dahil sa sobrang kakulangan ng tulog. Sa totoo lang napupuyat ako dahil sa sobrang curiosity. Nababaliw ako sa kakaisip kung bakit? Bakit hinahabol ng mga agent si Jhea? Anong dahilan?
Napakamisteryoso ni Jhea. Iyon ang napagtanto ko. Nung maging malapit kami sa isa't isa doon lang naman ako naging interesado sa buhay nya. Dahil sa totoo lang wala akong kahit na anong interes sa nakaraan nya kahit pa sinusuyo namin sya noon. Pumasok sa isip ko na makipagkaibigan sa kanya, para na rin kahit paano makabawi ako sa lahat ng mga pasakit na nakuha nya mula sa akin. Nangyari 'yon, she, and the whole Bloody Diamond had strong connection pero kahit na gano'n ay wala pa rin akong masyadong alam tungkol sa kanya, dahil kung ano yung nakikita namin sa kanya iyon lang 'yon. Everyone in our group don't have enough strength to ask about how Madison died because of her dahil siguradong mauungkat ang lahat ng tanong na 'yon. How Madison died? Hindi buo ang impormasyon na binigay sa amin, basta ang sinabi lang sana si Jhea ang mamatay no'n pero sinalo lang sya ni Madison. Si Jhea daw ang target na patayin ng Daddy ni Madison, pero nagsakripisyo si Madison. At ngayon, ngayon ako napupuno ng tanong kung bakit? Bakit nga ba gustong patayin ng Daddy ni Madison si Jhea? Hindi kami mga chismosa, madaldal si Jezil pero pag hindi inu-open sa kanya ang isang bagay ay hindi nya pinipilit halukayin. Halos lahat kami ay hindi masyadong interesado sa bagay bagay na hindi gano'n kakonektado sa amin. But since Jhea is almost part of the circle, gusto ko pang mas alamin ang mundo nya. Now! I want answer in all my question. Who is she? Bakit halos lahat nalang yata ay gusto syang patayin?
"She's mysterious!!" Si Marj habang humihithit ng sigarilyo. Binalikan nya ang bisyong 'yan pagkatapos nilang maghiwalay ni Zach.
"Oo nga eh. Kahit ako sobra na ring nahihiwagaan kay Jhea. Siguro kriminal si Jhea kaya hinahabol sya ng mga agent, tapos nagpapanggap lang syang isip bata para hindi masyadong halata. Tulad sa mga libro?!" Tuloy tuloy na kwento ni Jezil habang panay ang kuyakoy ng mga paa. Nakaupo sya sa gilid ng hood ng kotse nya na syang ginamit namin. Habang si Marj ay nasa harapan.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"