Chapter 46: Chance

416 13 0
                                    

Jairen POV

"I want to take it slow!!" Bulong nya habang magkayakap kaming dalawa. "I'm with them, but it doesn't mean they totally forgiven. Mahirap ipaliwanag, basta hindi ko kayang iwala sila!!" Tumawa ako.

"Of course. Isa pa nga lang ang magparamdam sayo ng pagmamahal mahirap ng bitawan, paano pa ang walo?" Nagtawanan kami na syang nagpaalis ng ilang sa pagitan naming dalawa.

"Si Liam at Ate Jai pala?" Tumango ako. Inayos nya ang sarili nya habang sumusulyap sa sala. "Bakit hindi ko nahalata? Ngayon lang ba?"

"No! Naging sila nung grade 10, almost 1 year din sila. Second chance na nila ngayon!!" Tumatawa nyang inayos ang strap ng dress ko.

"Kayo ni Vince?" Nalaglag ang panga ko. Humalakhak sya, imbes na mainis ay natawa na rin ako dahil sa gaan ng paligid. "May gusto ka sa kanya diba?" Pinandilatan ko sya ng mata pero tumawa lang sya.

"HERA!!" Natigilan kami ng makarinig ng sigaw sa kwarto. Nagsitakbuhan din papasok ang mga nasa sala. Nagkatinginan kami bago tumayo.

Nang umayos na ang sitwasyon ay tsaka ko lang nakuha ang sinabi ni Aida, tsaka ko lang naalala yung malambing na boses ni Clyde, kung paano nyang hawakan ang kamay ng kakambal nya, kung paano silang magtinginang dalawa.

"Kadiri!! Argh! Kadiri talaga. That's gruesome!!" Nagwawalang sigaw ni Aida.

Nawala ang antok at mga tama namin ng dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay nakaupo pa kami at abala sa pagku-kwentuhan. Tanging si Jairah lang ang nakahiga. Magkakatabi sa king size bed ang tulog na sina Aimee, Chrissy at Kyrile. Samantalang kami ay nagdesisyong sa baba nalang matulog, mabuti nalang talaga at maraming mattress si Shanon.

"Seriously? Akala mo sinong inosente iyon pala. Argh! Yuck talaga!!"

"You know nothing Aida kaya pwede tigilan mo ang pagsasalita ng ganyan!!" Napalingon kaming lahat kay Jairah na galit na nakabaling kay Aida.

"May alam ka ba?" Tanong ko.

"Share ka naman dyan te!" Umirap lang sya kay Rexel bago muling bumaling sa gilid.

"Siguro nga wala kaming alam, but the mere fact na may relasyon sila ay nakakasuka!!" Napabuntong hininga ako bago patigilin si Marj. Baka magka-pikunan pa sila.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon