Jhea POV
"Jhea? Jhea?" Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa pintuan dahil sa sunod sunod na katok dito, medyo marahas. "Jhea?" Boses ni Liam.
"B-Bakit?" Antok ko pang tanong pagkabukas ng pintuan. Sandali nya pa akong tinignan, parang nagtataka. Siguro kasi hindi ako nakasimangot o galit katulad ng pangkaraniwan kong reaksyon kapag naiistorbo ang tulog ko.
"Nasa baba yung mga Ate mo" Walang buhay nyang sinabi. Napakunot ang noo ko. Sina Ate? Bakit? Anong ginagawa nila dito? "Bumaba ka nalang" Tumango nalang ako.
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Naabutan ko ang salubong na mga kilay ng Ate ko, habang ang mga ka-gang ko naman ay nakangisi, at ang iba ay walang emosyong nakatingin sa dalawa.
"Don't fool around" Huling mensahe pa ni Ice bago tumayo. Ni hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin, diretso syang naglakad paakyat at padabog nya ring isinarado ang pintuan ng kwarto nya.
"Lets go! May pupuntahan pa tayo" Sunod syang tumayo. Walang emosyon syang naglakad papunta sa pintuan.
"Nasa lamesa yung breakfast mo my loves, kumain ka nalang" Ginulo nya pa ang buhok ko bago sumunod kay Clyde at sa iba na hindi man lang ako tinignan. Thanks Daryl!
"Good morning mga Ate" Nakangiting umpisa ko bago maupo.
"Morning. How are you? Are you fine here?" Alanganing tanong ni Ate Jairah. Nakangiti akong tumango. Bumaling ako kay Ate Jairen at nasa cellphone ang atensyon nya.
"Eh kayo? Kamusta kayo nila Dad?"
"We're fine actually ikaw ang inaalala nami---"
"I need to go, uhm I'm going to fix some important matters. Take care Jhea" Mabilis syang tumalikod, nagsalubong ang kilay ko dahil sa tila naiiyak nyang ekspresyon.
"May problema ba si Ate Jairen?" Nag-aalalang tanong ko.
"A-Ah masama lang... masama lang siguro ang pakiramdam nya. I need to go too Jhea" Bahagya nya pang tinapik ang balikat ko bago patakbong pumunta sa labas. Napakunot ang noo ko. Weird!
Napatingin ako sa hagdan ng marinig ang papababang naglalakad. Bumungad sa akin ang nakapamulsang si Liam na naglalakad sa gitna ng hagdan, diretso ang tingin nya sa akin.
"Oh!" Gulat kong reaksyon "Nandyan ka pala? Akala ko kasama ka nila Clyde" Bahagya syang ngumiti bago umiling.
"Gusto kong magpahinga eh" Simpleng sagot nya. Dumiretso sya sa kusina at nagtimpla ng kape.
Di muna ako sumunod sa kanya dahil naramdaman ko ang bahagyang bara sa lalamunan ko. Naalala ko noon, kapag makakasalubong ako ni Liam ay agad syang aakbay sa akin at tatangayin ako sa kung saan sya pupunta, isang bagay na hinahanap ko sa kanya, isang bagay na nami-miss ko ng sobra. Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang namumuo na namang lungkot sa sistema ko. Ang drama drama ko na, lagi ko nalang bang papakinggan ang lungkot ko?
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"