Chapter 25: Lost

444 15 0
                                    

Jairen POV

"Dad!! Please calm down!!" Nakaharang kami ni Jairah sa pintuan para pigilan ang paglabas ni Daddy. Umiiyak na sya halatang dahil sa kaba sa posibleng gawin ng galit ni Daddy sa PG. "Calm down please..." Naiiyak ko na ring pag-uulit.

Dumating sya habang kumakain kami. Sobrang nagalit sya ng malaman ang dahilan ng pag-alis ni Jhea. Sinabi ko namang kasalanan naming lahat 'yon, pero para sa kanya ay ang PG lang ang may kasalanan.

"Get out of my way!!" Sinenyasan nya si Zero at ang body guard na kunin kami. Agad kaming hinawakan ng mga ito at inalis doon sa pintuan.

"Let me go!!" I bawled out to Zero. Pilit ko syang hinahawi pero masyado syang malakas kaya naman walang kwenta ang pagpiglas ko.

"LET ME GO!! DAD!!" Nanghina ng tuluyan ang mga tuhod ko ng umandar na ang kotse ni Daddy. "Let me go!!" Binitawan lang nila kami ng makaalis na si Daddy. I almost really cry in so much quailed. Desperada akong tumakbo paloob atsaka dinampot ang susi ng kotse ko.

"Come on Jai!! Susundan natin si Daddy!!" Hindi na kami pinakialaman pa nila Zero. Mabilis ang pagpapatakbo ko. Kumakabog ng husto ang puso ko dahil sa nangyayari. Nakita ko ng magalit si Daddy, that was happen nung 3 years ago, when someone almost killed me at sinabi ko sa sarili kong ayaw ko na ulit syang makitang magalit.

"Call Liam. Inform them!!" Nanginginig na ang sistema ko dahil sa sobrang kaba sa posible nyang gawin kina Ice.

Halos patalon akong lumabas sa may kotse. Malakas na kumalampag ang gate ng itulak ko ito.

"Oh my gosh!!" Nag-uunahan kaming tumakbo ni Jairah paloob, at tuluyan na akong natumba ng makitang may pasa na ang mga mukha nila. Si Ice ang hawak ni Dad ngayon sa kwelyo, nakayuko ito pero kitang kita ko ang mga pasa at dugo sa mukha nya.

"Daddy!!" Napahiyaw ako ng sikmuraan nya si Ice.

Kinakabahan ako sa suntok ni Daddy. He's a Mafia Boss, bihasa na ang mga kamay nya at magaling ng gumawa ng pwersa. Gangster lang sila Ice, kakayanin ba nila ang bawat suntok na ibabato sa kanila ni Daddy? Kahit na sumasabak sila sa maraming gulo iba pa rin ang suntok ng isang miyembro ng mafia, paano pa kaya ng boss? Kaya nitong pumatay gamit lang ang isang nakakuyom na kamao. 'Yon ang dahilan kung bakit malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Daddy!!" Tumakbo na si Jairah at agad na binibitaw ang kamay ni Daddy pero hindi ito nagpaawat, mahigpit pa rin ang hawak nya sa damit ni Ice.

"Speak Ice Foresteir. Explain everything to me!! I trust you!! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko kasi ang sabi mo gusto nyo syang makasama. You please Ice!! At hindi mo 'yon gagawin kung hindi sya mahalaga sayo, now what? Where's my daughter!!? Why I feel that I am fool to believe you?!" Naluluha luha nyang sigaw. Ramdam ko kung gaano nasasaktan at nagagalit si Daddy ngayon.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon