Chapter 77: Security

273 9 0
                                    

Daryl POV

Katulad ng nakasanayan ko sa tuwing bumubukas ang mga mata ko, namataan ko na naman ang isang kulay asul na sticky note sa mini refrigerator ko. Napakamot ako ng ulo bago papikit pikit na bumangon at puntahan iyong papel.



'Hey my handsome baby boy, your pocket money was under your pillow. Take care, I'm sorry hindi ka namin naasikaso ngayon may emergency meeting kasi kami :)' -Mommy and Daddy



Napanguso ako bago nangingiting lumapit sa study table, kumuha ako ng ballpen at sinulatan ng date ang itaas na bahagi nung papel pagkatapos ay masaya ko itong inilagay sa isang box. Ayokong itapon 'yon kaya naman binilhan ko talaga ito ng sariling kahon. So far, marami rami na ring sticky notes ang naipon ko. My parents endear me so much and there's nothing I can ask for. I think I have the most perfect parents in the world. Just Imagine how lucky I am, busy silang pareho dahil sa lawak ng business namin ngunit kahit kailan hindi ko naramdamang nagkulang sila sa akin, they always make me feel love and that was I have today I can shout proudly in the world.


"Good morning po Nay!!" Nakangiti kong bati sa katulong namin habang patakbong bumababa sa hagdan.


"Ay nako kang bata ka magdahan dahan ka!! Hayst!!"


"Nah I'm fine Nay!!" Natatawa kong sinabi bago ako tumuloy sa kusina.



I exist like this for 10 years. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko. Halos lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay gustong gusto din ako. Maraming humahangang tao sa ugali ko, mabait ako para sa kanila. Mayroon akong maayos na pamilya. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Sabi nila hindi lang daw ako gwapo kundi matalino din at mabait na bata. Kilala ako at natatandaan kahit saan ako dalhin ng parents ko. Halos lahat ng makakasama kong magulang sinasabi na sana daw ay katulad ko ang anak nila. Para sa marami napaka perpekto ng buhay ko dahil halos lahat ay mayroon na ako. Perpekto.




"Mag-ingat ka ha? Dapat bago mag alas kwatro nandito ka na dahil mapapagalitan ka ng Mommy at Daddy mo. Iwas iwas sa mga salbaheng bata ha? Piliin ang magiging kaibigan!!"




Perpekto. Maging ako gustong sabihin iyon sa sarili ko, hindi ba dapat masaya ako dahil halos sambahin ng tao ang dinadaanan ko? Dapat masaya ako kasi perpekto ang tingin nila sa buhay ko. Dapat masaya ako pero hindi eh. Hindi kasi wala akong kalayaan, I born to follow my parents. Hindi naman ako galit kay Mommy at Daddy kasi alam kong ginagawa nila iyon para sa akin, para protektahan ako pero minsan hindi ko maiwasang masakal, hindi ko maiwasang mapaisip kung kailan ko mararanasan na gumala katulad nung mga kasing edad ko.



"Salamat po Manong Tupe!!"



Tatawa tawa pa akong kumakaway sa driver namin bago patakbong pumasok sa gate ng West Elementary. Bawat hakbang may bumabati sa akin, it seems this is my territory and all parts of it is zone of my friends. Kilala ko man o hindi ngumingiti sa akin na parang close kami, but still their smile did not make me happy completely. Nang makarating ako sa classroom ay pumunta ako sa dulong bahagi ng room kung saan nakaupo sina Josh, they're funny and friendly kaya sa dami ng humahatak sa akin sa kanila ako sumama.




"Lets just try, wala namang makakaalam maliban nalang kung magsusumbong ang isa sa inyo!!" Patuloy na pangungumbinsi sa amin ni Josh. Tumatawa tawa lang ako habang si Bailey at Daniel halatang excited.




"Ikaw Ibañez?" Nagkibit ako ng balikat kay Daniel.



"Magpapaalam pa ako!!" Naiilang kong sagot na pilit kong tinago sa pamamagitan ng pagtawa.




POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon