Chapter 1: Changes

552 30 2
                                    

Jhea POV

"Kakain ka na?!" Tanong ko kay Ice. Gabi gabi nalang syang nasa bar. Hindi sya bumaba kaninang umaga at siguradong hindi rin sya kumain kagabi kaya naman ako na ang umakyat para tanungin sya.

"I want to be alone Jhea, please!!" Jhea. Ayokong pansinin ang malamig nyang trato sa akin, pero kasi pinupuna iyon ng puso ko. Sa bawat malamig na tono at tingin nya ay nasasaktan ako.

"Galit ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para itanong iyon. P-Please Ice say no! Hindi mo naman ako sinisisi sa pagkawala nya diba?

"Do you know who is Madison to me?" Kumalabog ang dibdib ko sa balik tanong nyang iyon. Bakit? S-Sino ba si Madison sa kanya? "Madison is my first love, she was the first girl in my life, she was my life back then Jhea" Hindi ko alam pero parang biglang tumigil ang mundo ko. Parang may kung anong pumilipit sa puso ko. "I change because of her. I change to make her proud. I change to prove my love for her, and guess what? She play me, she cheat on me Jhea at gaya ng normal na reaksyon, I'm hurt! I feel hatred, I feel fool and that feelings lead me to hate her" Tuluyang bumagsak ang mga luha nya, at gano'n din ako.

Gusto ko syang patigilin kasi nasasaktan ako, pero gusto ko ring malaman ang lahat kaya kahit masakit, titiisin ko para lang malaman ng buo kung sino si Madison sayo Ice.

"But fvck! Its hurt, so freaking damn hurt!! Mas masakit pa kesa nung niloko nya ako. I hate her, I'm busy to curse her, I'm busy to forget her Jhea, while she's suffering for me" Ramdam na ramdam ko ang pait sa boses ny habang tinuturo ang sarili. "So pain, conscience and regret killing me now dahil nalaman ko lang lahat ng sakripisyo nya---- kung kailan huli na" Humakbang ako palapit sa kanya. Sinubukan ko syang hawakan pero pinatigil nya ako.

"I-Ice...." Gumagaralgal ang boses kong tawag sa kanya. Ini-expect ko na mag-aangat sya ng paningin, tatayo at yayakapin ako para tumigil ako sa pag-iyak gaya ng lagi nyang ginagawa noon,pero hindi iyon ang ginawa nya, kahit isa doon ay wala syang nagawa. Nanatili syang nakayuko at tila walang pake sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito.

"I'm sorry if I'm hurting you right now. I'm sorry but---"

"Paano yung sa atin? Ano 'yon?" Ibinuhos ko sa tanong na iyan ang lahat ng natitirang  lakas ko. Kahit posibleng hindi ko magugustuhan ang isasagot nya susugal ako para naman hindi ako umasa.

"There is no us Jhea..."

Automatic na tumigil ang lahat. Pakiramdam ko maging ang pagtibok ng puso ko ay hindi na nasundan. Bumalik lahat sa akin, kung paano nya hinahawakan ang kamay ko noon, kung paano sya dumikit sa akin, kung paano nya pinaparamdam na espesyal ako higit pa sa kapatid. Kung paano nya halos isigaw na gusto nya ako, d-doon sa Feche Lee, sa hagdan, sa tree house, diba? Pero hahahahaha oo nga pala, hindi naman sya umamin sa akin ng harapan. Ni hindi nya sinabing mahal nya ako, Ni hindi nya sinabing gusto nya ako. Tinanong nya lang kung ano sya sa akin. Iyon lang.

"I want to rest please" Pumikit ako ng madiin bago ngumiti sa kanya kahit hindi nya nakikita dahil nakayuko sya.

"Kumain ka mamaya ha?" Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ang balikat nya. "S-Sorry!! Sa lahat" Binitawan ko ang balikat nya at dahan dahan syang tinalikuran. Alam kong kabaliwan pero umaasa akong hahawakan nya ang kamay ko para pigilan, tapos magso-sorry sya sa akin. Sasabihin nyang hindi nya sinasadya, sasabihin nyang nabigla lang sya. Pero gaya kanina, kahit isa sa mga naiisip ko ay wala syang ginawa.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon