Jhea POV
"Dad naman!!" Nakataas ang mga kilay nyang binalingan ako bago tuluyang isara ang zipper ng bag ko.
"Hayst! Sa inaasal mo parang ayaw mo na akong makasama ah?!" May pagtatampo nyang asik sa akin. "Just spend two days with me bago ako tuluyang lumipad papuntang America. 3 months din akong mag-i-stay doon!!" Ngumuso ako bago sya yakapin.
"Sasama na" Iniling-ilingan nya muna ako bago bitbitin ang bag.
Ang totoo natatakot ako. Natatakot ako na baka sa dalawang araw na 'yon ay ma-realize nila na kaya na pala talaga nilang wala ako. Natatakot ako na baka sa pagbalik ko ay tuluyan na akong walang puwang sa bahay na 'to. Gusto kong iwasang isipin 'yon, pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya dahil lagi kong bitbit ang pangamba dahil sa mga ipinaramdam nila sa akin.
"Lagi kang tumawag ha?" Bilin sa akin ni Trix habang pinapakita pa ang cellphone nya. Nakangiti akong tumango-tango.
"Ingat ka doon" Ramdam ko ang pag-iling ni Daddy sa sinabi ni Xan. "Ingat Tito!!"
"Oo na!! Akala nyo naman nanakawin ko sa inyo si Jhea!!" Naghalakhakan pa sila sa sinabi ni Daddy. Sandali pa ulit silang nagpaalam bago tuluyang paandarin ng driver ang kotse.
Habang nasa biyahe ay tugtog lang sa radio ang nagpapaingay sa kabuuan ng kotse. Wala ang dalawa kong kapatid, nasa eskwelahan sila at nakikipag-ugnayan sa mga teachers para lang makapasa ako. Ang totoo imposible 'yon dahil halos dalawang buwan lang yata ang naipasok ko sa taong ito. Pero syempre ma-impluwensiyang tao si Daddy, pwede namang palabasin na nag home study ako sa loob ng pitong buwan kaya dalawang buwan lang ako nakapasok sa school. Hayst! Ayokong mag-repeater!!
"Nasa Airport na kami!! Sumunod kayo bukas, okay?!" Ang bigat ng pakiramdam ko habang nandito kami sa waiting area, hinihintay ang pagdating 1:00 para sa flight. "Okay! Okay! Take care" Pagpapaalam ni Daddy kina Ate bago nakangiting bumaling sa akin. "Hayst! Ayusin mo nga ang mukha mo. Babatukan na kita dyan eh!!"
"Ihhh!" Pagmamaktol ko bago pabalagbag na humilig sa kanya na halos ikahalik nya sa upuan dahil sa pagkawala ng balanse. "Dad nami-miss ko na sila" Humalakhak sya guluhin ang buhok ko.
"Paano kung mag-aasawa ka na? Hindi pwedeng mami-miss mo sila lagi" Nginusuan ko sya at tinignan ng masama.
"Dad wala pa nga akong boyfriend asawa agad?" Hindi na sya nakasagot ng mag-ingay na ang speaker. 1:00 na pala. Hayst! Parang nung aalis lang ako papuntang China!
Jairah POV
"Hay salamat!! I thought it would be hard to please those teachers!!" Painat inat nyang saad habang naglalakad kami sa parke. Inirapan ko na naman sya dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"