Chapter 54: We thought

416 16 0
                                    

Jhea POV


MOVIE MARATHON. Iyan ang ginawa naming lahat maghapon. 8 pa lang ay pumunta na silang lahat dito sa suite namin bitbit ang breakfast na in-order nila. We ate breakfast together, inusog lang nila ang mga sofa para magkaroon ng space na kasya kaming lahat. Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay naligo muna kami bago magsimula ang walang tigil na pagsalang nila ng kung ano-anong movie.


Nag-order sila ng napakaraming popcorn na may iba't ibang flavor kasama ang iba't ibang drinks.


"Ang likot nyo naman!!" Reklamo ko ulit. Umalis ako sa pagkakaupo sa pagitan ng hita ni Xan at agad humakbang papunta kay Clyde na nasa gilid namin. Naiirita ako dahil nadadamay ako sa paghaharutan nilang tatlo ni Daryl at Trix. "Dito ako ha?" Umirap lang sya kaya patawa tawa akong naupo sa pagitan ng hita nya. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagtungtong ng baba nya sa ulo ko at ang dalawang braso nya sa bewang ko.



Alam kong hindi lang ang palabas ang pinapanood nila kundi pati na rin kami. Minsan tuloy napapaisip ako kung anong iniisip nila. Hindi naman siguro nila iniisip na may relasyon kami ng PG?



Naalimpungatan ako ng may bumagsak na braso sa tiyan ko. Papikit pikit akong bumangon at tinanggal ang kamay na 'yon. Lima nalang kaming nasa higaan. Ako, si Jezil, si Hera, si Kyrile at si Aimee na syang nagma-may ari ng brasong gumising sa akin.  Paatras akong umalis sa mattress para hindi matanggal ang kumot nila.




"Bakit gumising ka na?" Tanong ni Bryle ng masalubong ko sya sa kusina. Umiling lang ako.



"Bakit hindi nyo ako ginising?"




"Kasi kailangan mong matulog. Magpupuyat tayo ngayon!!" Nagsalubong ang kilay ko. Magpupuyat? Bakit? Ano bang meron? "Sige Jhe bigay ko lang 'to kay Shanon!!" Hinalikan nya pa ako sa ulo bago tuluyang umalis. Ano kayang meron kay Shanon? Mula kahapon pa sya gano'n.




Pagdating ko sa kusina sumalubong sa akin ang nagtatawanan pa ring sina Xan, Daryl, at Trix, nagbabatuhan sila  ng marshmallow, maging ang mga nananahimik na sina Zach at William ay dinadamay nila. Habang si Vince naman ay panay ang mura habang dinadampot ang mga binabato nila.




"MGA TANG1NA NYO IBABATO KO SA INYO TONG  GRILL PAN!!" Napuno ng halakhakan ang kusina dahil sa sigaw na 'yon ni Vince. Maging si Ate Jairen, Ate Jairah, at Chrissy na halatang seryoso sa paggagawa nung cupcake ay napatigil para lang sumabay sa pagtawa.



"Are you mad bro?" Nakangising tanong ni Ice na nakahilig sa counter habang pinaglalaruan ang isang ice pick. Nilingon sya ni Vince.



"I AM! CUT THE CRAP MEN!! SINASAYANG NYO YUNG MARSHMALLOW!!" Napatili ako ng magliparan ang tatlong kutsara papunta sa direksyon ko.



"Fvck?" Malutong na mura mula sa likod ang nagpadilat sa akin. May isang kamay sa harapan ko na may hawak na dalawang kutsara. "What the hell Vince?"


POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon