Bryle POV
"Nasaan si Jhea?!" Tanong ni Vince ng makitang mag-isa lang si Daryl.
"Wala daw sya sa mood" Simpleng sagot nito.
"Para namang gusto nyo syang makasama" Sabat ko naman. Ngumisi lang ang iba at gano'n din ako.
"Can you shut your mouth, and just watch" Napailing nalang ako dahil sa sinabing 'yon ni Ice.
Daryl is right. Sa aming lahat, kung meron mang sobrang nakakasakit kay Jhea, ikaw 'yon Ice. Ikaw.
Hindi ko sinasadyang mapalingon sa kusina. Doon ko nakita ang nakangiting si Jhea habang nakatanaw sa amin. Kumaway sya ng makitang nasa kanya ang atensyon ko, bahagya lang akong tumango bago muling ibalik ang atensyon sa TV.
Sorry! I'm really sorry. Sorry dahil 'yan lang ang kaya kong sabihin, hindi pa kita kayang harapin Jhe. Dahil hanggang ngayon ay bangungot pa rin para sa akin ang nangyari sa isla, bangungot lahat lahat lalong lalo na ang masaksihan ang pagkamatay ng isang kaibigan, isang napakasamang pangyayari no'n para sa amin.
Jhea POV
Pagkatapos kong maghugas ay naglakad ako palabas. Magkukulong nalang ulit ako sa kwarto ko, pero kusang tumigil ang mga paa ko ng marinig ang pangalan ko. Napangiti ako, kahit pala paano ay naiisip nyo ako.
"Para namang gusto nyo syang makasama" Biglang napawi ang ngiti ko ng marinig ang sinabing 'yon ni Bryle. At kasabay no'n ay ang kanya kanyang ngisi nila. Napalunok ako dahil sa libo-libong karayom na sumaksak sa akin. Bakit parang matatalim na bagay ang mga salita nyo? Ang bilis bilis akong masaktan.
"Can you shut your mouth and just watch" Naipagkiskis ko ang labi ko sa sinabing 'yon ni Ice. Pinunasan ko agad ang naglandas na luha sa pisngi ko. Ilang sandali pa ay naghalakhakan sila dahil sa palabas. Napangiti na rin ako, dahil nakikita kong nagagawa nyong maging masaya.
Biglang lumingon si Bryle. Sa akin agad tumama ang mata nya, kumaway ako, isang bagay na pinagsisihan ko. Hindi nalang sana ako kumaway, edi hindi mo pa ako nabalewala. E di hindi pa ako nasaktan.
"Beshy Daryl pahiram nga muna ako kay Jhea" Sigaw ni Bryle mula sa kusina. Lahat kami ay napalingon sa kanya.
"Bakit? Ano na namang gagawin mo kay Jhea my loves ko?!" Masungit nyang tanong. Agad nagngiwian ang iba ng marinig ang pagtawag sa akin ni Daryl ng gano'n. Napanguso ako. Di pa ba sila sanay?
"Basta lang dali na!!"
"Hayst!! Sige. Pag inaway ka nya tawagin mo lang ako ha?" Tumango ako. Nakangiti nya pang ginulo gulo ang buhok ko bago ako senyasang pumunta ng kusina. Mas napapanguso akong napatayo, kaasar naman oh! Ang ganda na ng pinapanood namin eh.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"