Chapter 24: Searching

438 17 0
                                    

Bryle POV

Napabuntong hininga muna ako bago lumabas ng kwarto. Natatawa ako sa akin, sa aming lahat. Bakit ganito? Bakit ganito kami? Bakit tuluyan talaga naming hinintay na mawala pa sya sa amin bago namin mapagtanto ang lahat ng mga pagkakamali namin.

"Malalaman lang natin, lalong lalo na kayo kung ano ang pagkakamali at pagkukulang nating lahat kapag nawala na sya. Isang bagay na sana wag mangyari" You are right Daryl. Tignan mo ngayong wala na sya, nagkakandarapa kaming mahanap sya. Ngayong wala na sya, tsaka lang namin nalaman kung gaano sya kahalaga, atsaka lang namin naalala kung sino nga ba sya.

"Si Madison, kaya nya piniling isakripisyo ang sarili nya dahil alam nyang ikamamatay natin pag si Jhea ang nawala!! At ngayong sya yung nandyan, si Madison ang hinahanap natin. Wag nyong hintayin na mawala sya ng tuluyan sa atin" Maswerete ka Daryl dahil na-realize mo agad ang lahat ng 'yan nung nandito pa sya. Malaki ang posibilidad na mapatawad ka nya, eh kami? Pakiramdam ko kahit na mahanap man natin sya ngayon ay ipagtatabuyan nya pa kami.

"Hindi ba sasama si Ice?" Sarkastiko akong napahalakhak bago lingunin si William sa gilid ko.

"Seriously? You expect him to cooperate?!" Napakunot muna ang noo nya bago mapailing at ngumisi sa akin. Nakakatawa ang tanong mo.

Seryoso? Hinahanap mo ang gagong 'yon? Nakita nyo namang lahat diba kung gaano sya ka-walang pakialam kay Jhea. Lahat kami ay hinabol sya, nagpakapagod, nag-alala, tapos sya? Maaabutan naming wala dahil nag-iinom? Tapos uuwi sya sa bahay ng madaling araw at aakto ng umaga na parang walang nangyari? Tapos aasahan nyo sya ngayon? Kagaguhan 'yon.

"How about Daryl?!" Oo nga noh! Nasaan 'yon? Napatingin ako kay Chrissy.

"He's mad guys.. Alam nyo namang sya ang todo paalala sa atin tungkol sa araw na 'to diba?" Naikibit ko ang balikat ko dahil sa sinabi ni Vince.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon