Jairah POV
"Hey Jai!! Why are you still in your pajama? Hindi ka na naman ba sasama?!" Tamad akong umiling kay Ate na bahagya lang nakasilip sa pintuan ko. "C'mon Jai are you mad to her?"
"Ate!! I'm just tired kaya please lang let me. Sasama naman ako kung maganda ang pakiramdam ko!!" Ipinagpatuloy ko ang pagtingin ng mga bag sa magazine na hawak ko. Napabuntong hininga ako ng marinig ang tuluyang pagsara ng pintuan ko.
Tuluyan na akong nawalan ng ganang maghanap ng dahil sa hindi talaga pagsipot ni Daddy nung araw ng graduation ko. Oo, nagpadala sya ng iba't ibang mga bulaklak, cake, jewelry at kung ano-ano pang regalo, p-ppero kasi hindi 'yon ang kailangan ko. Damn it!! Sya ang kailangan ko, ang presensya nya hindi ang mga 'yon. Y-Yung presensya nya ang gusto kong regalo nung araw na 'yon eh.
Si Jhea ang mahalaga sa kanya? E di sya ang maghanap. Hindi ako banal para tumulong pa rin sa paghahanap sa kabila ng mga sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kanya!! Ayoko na Jhea!! Bahala ka na!
Jairen POV
Paglabas ko pa lang ng village ay sinalubong na ako ng kotse ni Zach. Nasa shotgun seat si Marj na bahagya lang tumango sa akin.
"Ang ganda ng damit ah? Dapat nag-swimsuit ka nalang!!" Vince loud guffaw eat the silence of the car. Namula ako ng makita ang pagngisi ng dalawang nasa harapan.
"Wag kang mangialam!!" Why? What's wrong with maong short and fitted hanging blouse? "Mind your own outfit. This is what you call fashion. Stupid!!" He snick then put his hands up.
"Okay I'm just suggesting" Mas lalo akong namula ng marinig ang hagikhik ni Marj at Zach.
"Dito na ako!!" Halos sigaw kong sabi. Bumaba ako sa isang paradahan ng mga taxi. Narinig ko pa ang pagsipol ni Vince bago ako makalayo. Damn him!!! "FVCK YOUUUU!!" Humahalakhak nyang unti unting tinaas ang bintana ng kotse, at bago tuluyang magsara ay pang-asar pa syang nag-flying kiss. Argh!
Habang nasa biyahe ay dala ko pa rin ang iritasyon sa lalaking 'yon. Kapag talaga may pagkakataon sya ay pinapahiya nya ako, nakakabwisit!
Hindi na ako nagtaka sa mga sagot na na-encounter ko sa mga manager ng hotel. Immune na ata ako sa 'wala po eh' na sagot nila.
Ewan ko. I wonder kung bakit pa ba kami naghahanap kahit sobrang nakakapagod at nakakatamad na. Sumabay pang simula na ang school year namin. Damn!! Dapat ba hindi muna ako kumuha ng masters degree for culinary? Ilang buwan na rin. 4 months but still kahit konting impormasyon ay wala pa rin. Alam kong medyo imposible ang mga ideya nya, but sometimes ay nahihigit ako ng mga sinabi ni Jairah noon.
Paano nga kaya kung tinulungan si Jhea nung tauhan ni Daddy na sumundo sa kanya sa airport? Paano nga kaya kung nakalabas na ng bansa si Jhea? Pero kung iyon nga ang tumulong sa kanya imposible na hindi malaman ni Daddy 'yon. At kung sakaling kasama na sya ni Dad ngayon, hindi naman ililihim ni Dad sa amin 'yon diba? Hindi magagawa ni Dad sa amin 'yon. Kahit gaano sya kainis sa amin ay hindi nya kami hahayaang mahirapan ng ganito.
But heck where is she then? How I wish na mag-post ng mga posters ang kaso baka maging dahilan pa 'yon ng pagkapahamak ni Jhea. Other syndicate will look for her para sa pera, ayokong mangyari 'yon. Speaking of syndicate--- baka naman nakuha na si Jhea no'n? Hayst! Damn it! What the freak I'm thinking? Jhea can defend herself, I don't think so na madali syang makukuha ng kung sino man without her permission. Tama! Tama 'yan Ren! Think positive.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"