Chapter 59: Secret

324 16 0
                                    

Jhea POV

"I'm fine! I can nurture my baby without him!!" Napabuntong hininga na lamang kami sa sinabi ni Shanon, hinagod hagod ng katabi nyang si Ellaine at Marj ang likod nya habang si Aida naman na nasa likod nya ay nagkibit lang ng balikat.

Nandito kami ngayong mga babae kasama si Rexel sa bahay nila, gaya ng nakasanayan ay gumagawa na naman kami ng cookies na mukhang pinaglilihian nya.

In the past 2 month, halos silang dalawa lang ang iniisip ko ni Bryle. At sigurado akong maging ang iba ay gano'n din. Naging matunog ang pagbubuntis ni Shanon pagkatapos nyang mahimatay nung nagpi-perform sila ng cheerdance. Pagkatapos ng araw na 'yon ay napansin naming lahat ang panlalamig nila sa isa't isa, lalong lalo na si Bryle. Halos hindi nya tinitignan si Shanon, madalas na rin syang umiwas sa amin kapag alam nyang kasama si Shanon. Gusto ko sana silang pagbatiin ang kaso pinipigilan ako nina Ice, hayaan ko lang daw dahil personal nilang problema iyon.


"Mas maganda siguro kung mag-home study ka na lang. Lumalaki na ang tiyan mo oh!!" Napatango kami sa sinabing iyon ni Ate Jairen. Sa totoo lang mas halata na ang tiyan nya ngayon. Hindi man 'yon gano'n kalaki pero halata na ang pagbubuntis nya lalo na at slim sya.

"May pambayad ka naman. That's better para hindi ka masyadong mapagod!!" Pangalawang pagtango ang ginawa ko sa sinabi ni Ate Jairah.

"Tama iyon. Mas dapat mong i-prioritized ang baby. And please Shanon tigilan mo ang pag-iisip kay Bryle. Stop stressing yourself, always remember that you're not alone in that body. There's a baby inside your tummy!!" Seryosong pagalit ni Jezil. Napabaling kami sa kanya, patawa tawa si Aimee at Kyrile na para bang nakakatawa iyon. Aida and the rest raising their eyebrow. Samantalang ako ay halos manghang napatitig sa kanya pero seryoso at matatag nya lang kaming sinalubong ng tingin.

"Makapagsalita bakla ah!! Akala mo isang ekspertong mudra!!" Halatang halata ang biglaang pagkawala ng kulay sa mukha ni Jezil sa sinabing iyon ni Rexel.


"Jez? Are you okay?" Marahan syang tumango sa nakaalalay sa kanyang si Hera. Tikom ang bibig na ipinagpatuloy nya ang pagdi-design nung cookies na ginagawa nya.

Nagkibit na lang ako ng balikat bago ituloy ang ginagawa ko. Wala rin namang masama kung nagpayo sya ng gano'n, para sa akin ay natural lang siguro 'yon lalo na at kaibigan nya si Shanon. Nakangiti kong binuhat ang baking pan at nilagay 'yon sa oven. Sumandal ako sa island counter bago kunin ang cellphone sa bulsa ko. Bumungad agad sa screen ko ang mga text nila kaya napapangiti akong binasa isa isa 'yon.

From Daryl:
'Jhe pasalubungan mo ko ng cookies ha?'


From Xan:
'jHe uWi kAnG mAaGa!'

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon