Chapter 41: Still

419 25 1
                                    

Jhea POV

"Anak that's too much, napapahiya mo na sila!!" Isang beses ulit akong humigop sa kapeng iniinom ko bago magpatuloy sa pagb-bake. "Princess please tigilan mo na 'yan! Kung hindi mo pa sila kayang patawarin ngayon, wag mong pilitin. Dumistansya ka muna sa kanila kasi masasaktan mo lang sila dahil galit ka. Baka pag natunaw na 'yan ay pagsisihan mo lahat!!" Napatigil ako at sinulyapan ang mukha ni Daddy na nasa screen ng laptop ko. "Wag mo na silang gayahin anak. Look at them now, they full of regret dahil sinunod nila yung bugso ng damdamin nila nung mamatay si Madison. They forgot how much they love you, sa sobrang lungkot nila ay naghanap sila ng masisisi para lang mapagaan ang loob nila. At ngayong wala ka na sa kanila, doon lang nila nalaman lahat ng pagkakamali nila. Gusto mo ba 'yon? Pag nawala na yung galit mo ay puro pagsisisi naman ang mararamdaman mo?!"

"Dad kasalanan naman nila kung bakit ako naging ganito---"

"No one to blame Jhea!! Ikaw 'yan eh, katawan mo 'yan, isip mo 'yan, puso mo 'yan, desisyon mo lahat 'yan!! Kung anong nangyayari sayo ikaw lang ang tanging responsable!!" Napapikit ako sa pagtaas ng boses nya. There's to blame Dad, at sila 'yon. Hindi ako titigas ng ganito kung hindi ako nasaktan ng husto. The pain they throw on me were unbearable, its either I fight or I'll let it to defeat me. Nilabanan ko and I make myself pledge that I would never let those people mangle me into pieces again.

Pero anong gagawin ko? Naguguluhan ako eh. I don't want them in my life pero ramdam ko rin sa sarili kong ayoko silang tuluyang mawala. Gusto ko na nasa malayo sila pero ayokong sobra. Magulo! Minsan sa sobrang gulo hinahayaan ko nalang na mangyari ang planong nabuo sa isip ko ng hindi iniisip ang kahihinatnan.

"D-Dad takot na ako sa kanila. Pakiramdam ko bawat hakbang na gagawin ko palapit sa kanila ay may banta ng sakit!!" Tuluyang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Takot ako. Takot na takot ako sa kanila dahil sa sobrang sakit na naibigay nila. Pero bakit sa kabila no'n ramdam ko pa rin sa sarili kong kung gugustuhin ko lang, mapapatawad ko sila? "Hindi ko alam eh. Natatakot ako na baka sinusuyo lang nila ako ngayon kasi hindi pa sila kuntento sa sakit na naibigay---"

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon