Chapter 52: Slides

483 23 0
                                    

Jhea POV

Nakanguso akong lumabas ng kwarto bitbit ang bihisan ko. Halos hindi pa totally'ng dilat ang mata ko kaya naman todo kapit ako sa hawakan ng hagdan. Nakaka-tatlong hakbang pa lang ako ay may humarang na sa harap ko.

"Naghahanap ka ng aksidente?" Iritado nyang tanong. Umiiling syang umupo sa harap ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag-angat ko habang mahigpit nyang hawak ang hita ko. Nakangiti akong mas yumakap sa leeg nya. Bumalik na ang kasungitan nya.


"Inaantok pa ako eh!!"

"Then why you get up? May gumising ba sayo?"  Tinatamad na akong sumagot kaya umiling nalang ako.


Ang totoo nagising ako dahil sa pagtawag ng isang unregistered number. Nung sinagot ko ay biglang namang namatay. Hindi ko na sana iintindihin pero ng makita kong naka-124 missed call sya ay hindi ako mapakali. Baka mamaya si Daddy 'yon o si Zero o hindi naman kaya ay isa sa tauhan ni Daddy na may importanteng sasabihin. Sinubukan kong tawagan sya ang kaso hindi naman nya sinasagot, puro lang ring, tapos maya maya cannot be reach na. Inaantok pa ako pero nilabanan ko dahil baka tumawag pa sya, ang kaso hindi na talaga eh.

Ayoko ng bumalik sa pagtulog dahil 8 na, pero parang hinahatak talaga ako ng antok.

Ibinaba nya ako sa long sofa,  inaantok pa rin ako kaya naman humiga ako. Napangiti ako ng maramdamang may nakaupo sa dulo no'n. Nahiga ako at humarap para yumakap sa tiyan nya.

Anong oras na ba kaming nakauwi kagabi? No! Hindi na iyon gabi eh. Siguro mga 2 or 3 na 'yon. Nakatulog na nga ako sa lap ni Xan pagkatapos ng tatlong palabas. Ang tagal din kasi naming nag-spin the bottle. Medyo nakakapagod din ang puro sigawan at tawanan, mabuti nalang talaga sound proof ang mga suite dito kaya na-enjoy namin.

"Jhea Jhea gising na!"

"Ice Ice baby!! Magsidilat na kayo!!"

"Hahahaha puno na ng laway yung shorts ni Ice, kadiri!"

"Uy! Tumayo na kasi kayo!! 10 na oh!! Pupunta na tayo sa swimming pool!!"


"Batukan nyo na nga ang dalawang 'yan!!"

"HOY!!" Padabog akong napa-padyak padyak bago unti-unting idilat ang mata ko. Nakakainis! Ano na naman ba at nang-iistorbo sila ng gising?

Masama ko silang tinignan. Nakasimangot na sila sa harapan ko lalo na si Xan at Daryl.

"Bakit ba kasi?"

"Hindi ba kayo sasama sa swimming?" Napanguso ako. Oo nga pala! Ngayon kami pupunta sa swimming pool.


Pupungas-pungas akong bumangon. Agad na naupo sa nagawa kong espasyo si Bryle. Sumandal ako sa balikat nya bago lingunin ang nasa kabilang side ko. Nakita ko si Ice na nagkukusot din ng mata. Ngumuso ako. Sya pala yung nahigaan ko.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon