Chapter 26: Anger

458 21 3
                                    

Jairen POV

"Dad!!" Puno ng pagmamakaawa kong tawag sa kanya. All my anticipation disappeared because I'm fvcking scared for PG.

"Get out there Jairen Vasquez!!" Kahit na nangangatog ang tuhod ko ay hindi ko sya sinunod. I continue blocking the doorway using my thin arms, I spread it widely.

"Dad enough, they can't accept all your punches. You are very much aware that your force is different!! Gangsters lang sila! Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa kanila kahapon?!" Napapikit sya bago hilutin ang sentido nya. Doble ang kabog ngayon ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari, hindi ito pwede.

Paano kung hindi na nya ma-kontrol ang mga suntok nya? Paano kung lumabas ang lahat ng galit nya at makalimutan nyang sila Ice pala ang sinusuntok nya? He might steal their breath away.

"Where's Jairah?!" That his question after he open his eyes. Naguluhan ako dahil sa tanong nyang biglang bumago sa nangyayari.

"Ahh a-ano..." Hindi ko alam kung anong tamang isagot. Alam ko ang sagot pero dahil sa sobrang gulat sa tanong nya ay naguguluhan ako. "A-At school!! E-Enrolling a-and talking to Jhea's advicer" Ang totoo ay ako ang pinatawag pero dahil naiisip kong may posibilidad na balikan pa ni Daddy ang PG ay mas pinili kong mag-stay at si Jairah ang papuntahin.

I know my father. Hanggat hindi nya nailalabas ang lahat ng galit nya ay hindi sya titigil. Kung kinakailangan na balikan nya ang mga ito para lumpuhin ay gagawin nya para lang makuntento sya at mapagbigyan ang sarili nya.

"Anong nangyari sa paghahanap nyo?!"

"W-Wala pa rin. Wala pang tumatawag sa amin na kahit isa sa nga detective na na-hire namin. Kahit ang mga manager ng mga airport at pier ay wala ding balita. Even BD don't have any update!!" Paliwanag ko. Nakatingin ako sa mukha nya at binabasa ang bawat reaksyon nya.

Galit sya, that's what I see and feel, pero bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata nya ay pakiramdam ko nagpapanggap lang sya? O baka naman 'yon ang nakikita ko dahil gusto kong mapakalma sya?

"Pumasok na tayo!!" Hindi nya ako hinintay. Mabilis syang pumasok sa loob.

Wala na si Zero, bumalik ito sa NY dahil kailangan nya pang asikasuhin ang mga kompanya doon na mukhang nagkakaroon ng malaking problema. Si Daddy, si Jairah, ang mga katulong at limang body guard ang kasama namin sa bahay.

Dumiretso si Daddy sa kusina. Pinagmasdan ko ang pag-upo nya sa unahang upuan at pagsandok ng pagkain sa plato nya. He's weird. Gano'n ba kadaling humupa ang galit nya?

"Stop staring" Agad akong umiwas ng tingin dahil sa makapangyarihang boses nya.
Hindi ko talaga mapigilang sumulyap sa kanya, nawi-weird-duhan ako. "You know what!? Gusto kong magwala ngayon!! I want to punch their face again and again until it totally destroy.. Gustong gusto ko silang lumpuhin kahapon, gusto kong baliin ang mga buto nila gaya ng ginagawa ko sa mga miyembro ng kalaban nating mafia!!" Sunod sunod akong napalunok lalo na ng mag-angat sya ng paningin sa akin. "Its only Jhea's voice resist my plan. Kapag naririnig ko ang masayang boses nya sa tuwing magku-kwento sya ng tungkol sa PG pakiramdam ko maling saktan ko sila. Bakit? Kasi siguradong hindi magugustuhan ng kapatid nyong makitang nasasaktan sila kahit na sinasaktan sya ng sobra ng mga ito!!" Bumitaw ako sa pagtingin dahil nakakatakot ang mga galit nyang mata. "Alam nyo bang sa dalawang araw kong kasama ang kapatid ny wala syang ibang bukambibig kundi, 'Dad, kailan ba darating sina Ate!?' 'Dad nami-miss ko na ang Poisonous' 'Alam mo Dad doon sa bahay namin hindi nagiging tahimik ng ganito kasi lagi silang nagsisigawan at nag-aasaran' 'Kung nandito siguro sina Ate ay maingay din' Kahit malayo sya sa inyo, laging kayo ang iniisip nya, laging kayo ang bukambibig nya. Ang saya saya nya sa tuwing nagku-kwento ng tungkol sa inyo at sa PG. Lagi nyang kinu-kwento kung gaano sya kasaya sa inyo. Kahit kailan hindi nya sinabi kung anong pinaparamdam sa kanya ng PG ngayon. Bakit kaya Jairen?!" Pinahiran ko ang pisngi kong basang basa na. Gusto kong sumagot at sabihing 'kasi ayaw nyang maging masama ang tingin mo sa PG' Kaso hindi ko masabi dahil mas gusto kong manahimik nalang kesa ilantad ang basag kong boses. "She'll do her best para ang tangi ko lang makita ay kung gaano kabuti ang PG sa kanya. Kahit isang beses yata ay hindi sya nagsabi sa akin kung gaano sya nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa PG. But she don't need to say, kahit pa hindi sya magsalita ay malalaman at malalaman ko 'yon dahil anak ko sya. Yung mga mata nya palang ay sumisigaw na, na ang sakit sakit na ng nararamdaman nya!!!" Napapikit ako at mas nangatog ng hinampas nya ang lamesa dahilan para matapon sa akin ang juice ko.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon