Daryl POV
"Teka lang!! Kalma I need an air too!!" Isa isa kong sigaw sa kanila. Wala na kasi silang tigil sa kakatanong tungkol sa nangyari.
"Magsimula ka na!! Kanina ka pa inhale ng inhale pati yata hininga namin na inhale mo na!!" Muntik kong mailuwa ang iniinom kong tubig dahil sa galit na galit na pagsigaw ni Xan. "Mag-umpisa ka na tawa tawa ka pang hay0p ka!" Nagkamot ako ng ulo bago bumuntong hininga.
"Here gamutin mo 'yang mga pasa mo!!" Kinuha ko yung first aid kit na inaabot ni Vince. Tang1na kasing Ice 'yon eh, makikipag-away hindi naman kaya.
"Naabutan ko sya sa huling bar na pinuntahan ko. Nakita ko syang nag-iinom kaya pinuntahan ko sya dahil sa sobrang galit ko!!" Umiling ako bago tuluyang tapusin ang pagd-dressing sa sugat ko sa kamay na nahiwa ng basag na baso sa bar. "Sinuntok ko agad sya ng dalawang beses. Alam nyo namang hindi pa kami totally maayos ni Ice diba?! Kaya konting mali nya lang ay madaling umiinit ang ulo ko" Bumuntong hininga ulit ako. "Sinigawan ko sya sa sobrang inis ko. Pinagpatuloy ko pa ang pagsuntok sa kanya dahil hindi ako kuntento sa dalawa lang. Hanggang sa maya-maya ay inawat ako ng bouncer, at nung maiwala ko si Ice ay agad syang tumayo at nanapak ng iba doon, eh nagkataong marami palang back up yung nasuntok nya, kaya 'yon nagka-rumble. Eh lasing na ang baliw 'yan eh!! Hindi ko alam kung nakailang hard liquors sya!! Hindi na makaawat yung mga bouncer. Ending ako yung nakawawa!!" Hindi talaga ako maka-move on sa kung ano ba ang nangyari sa bar. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit nandoon si Ice basta ang alam ko, mali ang akala ko. Mali ang akala ko na hindi sya tumulong sa paghanap.
"Wait! You mean hindi tayo tinulungan ni---" Itinaas ko ang kamay ko sa sinasabi ni Trix at agad na umiling.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"