Jhea POV
"Kamusta na princess?" Ngumiti ako sa screen bago kumaway ulit kay Dad. Pinipilit kong pasayahin ang mukha ko, pinipilit kong ipakitang masaya ako dahil ayokong magalit si Daddy sa PG. Ayokong isipin nya na inaapi nila ako dito. "Nangangayayat ka. Kumakain ka pa ba dyan?" Humalakhak ako. Gano'n na ba ako kapayat?
"Again Dad I'm fine here. Syempre kasama ko yata ang mga mapagmahal kong kuya" Nakangiti syang umiling iling kaya naman nakagat ko ang labi ko.
"Proud na proud ka ha?" Humalakhak ulit ako.
Gustong-gusto kong umiyak. Kailangan ko ng taong mapaglalabasan ng sakit. Kailangan ko ng taong iintindi sa akin pero mukhang wala akong mahahanap. Ayokong problemahin pa ako ni Dad, siguradong marami rin syang kinakaharap na problema sa kompanya, kaya nga kahit parehas lang naman kaming nasa Pilipinas ay ito kami, nag-i-skype. Sila Ate naman malapit sila kay Mads kaya baka hindi rin nila ako maintindihan.
"Jhea! Hey!!"
"O-Oh! Dad!!" Natatauhan kong usal bago magkamot ng ulo.
"You alright? Kanina pa kita tinatawag ah?" Kanina pa? Bakit parang wala naman akong naririnig?
"H-Hehehe sorry Dad!!" Bawi ko nalang bago magpeace sign. Humalakhak lang sya at umiling.
"Sino na naman ba ang iniisip mo?" Pang-asar syang humalakhak bago tumango sa kung sino mang kaharap nya. Sasagot na sana ako pero naunahan nya ko. "Zero come here!! Ikaw muna ang kumausap sa prinsesa ko aalis lang ako sandali,babalik din ako agad. Bye muna princess, may kakausapin lang ako" Bahagya nya pang pinisil ang balikat ni Zero bago tuluyang tumayo. Ngumuso naman ako habang nakatingin kay Zero na masungit na nakatingin sa gilid. Iniismiran ko sya. Sa etsura ng mukha nya parang inis na inis sya sa request ni Daddy ah! Hayst! Bakit kasi itong Zero pa na 'to ang pinakausap sa akin?
"Can you please stop staring? Its annoying!!" Sa wakas ay nagsalita rin sya. Paamba akong nagkagat labi na nagpatulala sa kanya. Naiinis syang umirap sa ere bago asar na asar na bumaling sa akin.
"Hayst! Sabihin mo kay Daddy tatawag nalang ako mamaya!!" Bilin ko muna bago sya patayan. Asar akong isinara ang laptop ko at inilagay sa side table. Tumihaya ako sa kama ko at pilit pinapahinga ang isip ko. Ang boring, anong oras kaya uuwi sila Ice?
Umalis sila para mag-bar. Ilang araw din silang napahinga sa pagba-bar kaya siguro ay mali-late sila ng uwi.
Bakit gano'n? Gusto kong lagi kayong nandito kahit wala naman kayong ibang ginawa kung hindi ang balewalain lang ako. Tsk! Nasanay na siguro ako. Minsan nga naiisip ko kung totoo bang ang mga taong 'to ang nagparamdam sa akin na maging isang prinsesa, kung ito pa rin ba ang mga taong sobrang mahal na mahal ako. Minsan naiisip ko, totoo bang nangyari lahat ng 'yon? Totoo bang naramdaman ko ang pagmamahal na 'yon? O baka naman nanaginip lang ako at ngayon ay nagising na ako. Pero syempre sa huli ay babagsak ako sa pag-iyak at hihilinging sana ay bumalik na sila sa dati.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Ficção Adolescente"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"