Jhea POV
"What!?" Ang malakas na pagsigaw ni Daddy ang biglang gumising sa akin. Tsk! Ano na naman kayang meron? Kahapon pa sila tila balisa ni Zero, at pag tinatanong ko naman kung anong problema walang ibang isasagot si Daddy kung hindi ang paglilipat ng kompanya kay Zero lang ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pero pakiramdam ko'y may iba pa silang pinu-problema na hindi ko alam kung ano ba.
"I keep communicating with their agency Tito but they keep refusing to talk and make an amicable settlement" Narinig kong paliwanag ni Zero habang naglalakad ako papuntang kusina. Agency? Amicable settlement? May gano'n ba sa paglilipat ng kompanya?
"Damn that agency!! Kailan ba sila titigil? Look we trying to start again at ngayon pa talaga nila balak ipasa ang mga ebidensya nila?"
"I don't know. Don't worry Tito I will continue to communicate with that agency---" Huminto agad sya ng mapabaling sa akin. Parehas na napako ang paningin nila sa akin kaya naman unti-unti akong nakaramdam ng hiya dahil sa pakikinig sa kanila.
"U-Uhm sorry Dad h-hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nyo!!" Umpisa ko habang nakayuko, nahihiya.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya na tila ba yelo ang presensya ko na nagpalamig sa buong sistema nya.
"H-Hindi po Dad, kakarating ko lang" Nagpabalik balik ang tingin nya sa akin at kay Zero. Para bang hindi nya alam kung ano ang tamang gawin sa nangyayari. "D-Dad are you alright?!" Tanong ko dahil sa pagkataranta sa mukha nya.
"Ah! Yes! Yes Princess. I'm fine!!" Hinila nya ang isang upuan at isinenyas 'yon sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit doon habang nakatingin sa kanya. Napalingon ako kay Zero pero walang nagbago sa ekspresyon nya. Nakatingin lang rin sya sa akin na walang kaemo-emosyon. "I'm sorry. Nagising ka ba namin?" Umiling ako kahit ang totoo ay gano'n nga ang nangyari. "Ito--- mag-almusal ka na. Kumain ka ng madami, ang payat mo na oh!!" Hinawakan ko ang tensyonadong kamay nyang ipinagsasandok ako. Tiningala ko sya.
"D-Dad are you really okay? Nanginginig ka eh!!" Nag-aalala ako sa mga ikinikilos nya. Alam kong hindi lang simpleng problema ang meron sila dahil sa asal ni Daddy ngayon.
"Yes Princess I'm fine!!" Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. Bago ako halikan sa buhok. "Trust me I'm fine. Eat a lot okay? May pupuntahan lang kami ni Zero then mamaya ay mag-uusap tayo!!" Hindi pa ako nakakasagot ay binitawan nya na ang kamay ko at mabilis nagmartsa palabas ng kusina. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Napanguso ako bago bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"