Daryl POV
Napatigil ako ng makita ang mga pamilyar na bagay sa isang kahon.
"Jhe!" Nakangiti kong itinaas ang cap, jacket, shade at mask na ginagamit nya noon tuwing lumalabas ng bahay. "Naalala mo pa 'to?" Natatawa nyang nilapitan 'yon at kinuha sa mga kamay ko.
"Uy hehehehe na-miss ko 'to ah!!"
Ang apat na bagay na 'yan ang sumisimbolo kung paano sya inalagaan ng buong gang. Yung apat na bagay na 'yan? Kami! Kaming walo ang personal na bumili nyan. Pinaghirapan naming lahat na i-estimate ang apat na bagay na 'yan bago namin dalhin sa counter ay paulit-ulit pa naming sinipat. Apat na bagay lang 'yan pero halos nalibot na namin ang buong mall, dahil natatakot kami na baka salubungin nya kami ng iyak at pagdadabog pag hindi nya nagustuhan. Isang bagay na noon lang namin nagawa. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay naming lahat, sa kanya lang namin nagawa 'yon. Sya lang yung tanging babaeng nakapagpalibot sa amin sa kabuuan ng mall para lang sa proteksyon nya.
"Why does she need that? Tss! You're being corny. Stop being OA guys" Napatigil kaming lahat sa paglalakad sa hallway ng mall dahil sa reklamo na naman ni Clyde. Oo! Na naman! Kanina pa sya reklamo ng reklamo. Magmula pa lang sa paglabas namin ng bahay ay panay na ang reklamo nya.
"Delikado nga kasi kapag masyadong expose yung mukha nya!! We all know na marami tayong kaaway!!" May pag-amba pang singhal ni Bryle. Walang tumawa dahil alam kong gaya ko ay naiirita na din sila sa paulit-ulit na reklamo ng bwesit na si Clyde.
Una kaming pumasok sa isang exclusive girl boutique na malapit sa amin. Masyadong girly at daring ang mga laman no'n kaya patawa tawa kaming lumabas.
"Walang bagay sa kanya. Tanga kaya 'yon, baka mabosohan lang lagi ang isang 'yon" Pinagbabatukan namin ang nakangiwing si Trix.
"Totoo naman. Tignan mo nga sa bahay, alam na nyang naka-dress sya panay pa ang taas ng paa!!" Humalakhak ako sa sinabing iyon ni Xan. Yon ang lagi naming reklamo sa kanya. At sasagutin nya lang kami ng pamatay nyang litanya.
"Ano naman? May short naman ako eh!!" At doon na magtatapos ang aming mga reklamo. Hindi ko magawang makisawsaw minsan sa iba sa pagsita sa kanya dahil pag pinapagalitan na sya ay nasa kandungan ko na sya at nagpapayakap sa akin. Nagpapakampi!!
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"