Jhea POV
Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Pakiramdam ko ay hinampas ito ng maraming beses dahil sa sobrang kirot. Tuluyan akong napadilat ng maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa akin, halos malunod ako dahil sa dami no'n. Slowly naramdaman ko ang mas matinding kirot ng ulo ko. Tumambad sa akin ang puting paligid, at ang isang tao na nakatayo sa mismong harapan ko.
"Jhea Vasquez, daughter of the Vware Mafia proprietor Jacob Vasquez. You're the what so called Princess of Vware Mafia right?" Hindi ako nagsalita. Basta lang akong nakatitig sa lalaking naka-overall black sa harapan ko na natatakpan ang kalahating mukha. "Princess Jhea? Are you deaf?"
"I-I d-dont get what your talking about mister!!" Puno ng confident kong sagot. Alam kong pinaniniwalaan ng lahat na tatanga tanga ako, but at least for this matter I want to be intelligence. "W-Who are you?" Atsaka ko lang napagtanto na nakatali pala ang dalawang kamay ko sa magkabilaang armrest ng bakal na upuan kung saan ako nakaupo. "B-Bakit ako nakatali?" Umawang ang labi ko ng mas mapagtanto kung ano ang kalagayan ko.
Merong tila tali ang nakapalibot sa itaas ng dibdib ko, gano'n din sa bandang tiyan ko. Ang dalawang daliri ko sa kanang kamay ay may kung anong nakaipit, sa kaliwang braso ko ay may kung anong bagay din ang nakapalibot. All those things ay merong nakadugtong na wire. Tinignan ko kung saan iyon nakakonekta, nakakonekta 'yon sa isang bagay na nakatalikod sa akin sa palagay ko ay monitor iyon, kaharap iyon ng isang babae na natatabunan din ang kalahating mukha. Unti-unti akong nilamon ng takot, ito bang mga bagay na ito ang ginagamit para kuryentihin ang isang tao na pinapaamin?
"What is your full name, including the middle name?"
"J-Jhea A-Acosta V-Vasquez!!" Tuluyan ng umagos ang pinipigilan kong luha ng mas lumapit sa akin yung lalaki na may kalahating maskara.
"Don't be affright Mafia Princess!!"
"Keep inquiring!!" Napahikbi na ako sa takot ng lamunin ng nakakakilabot na tawa ng lalaking nasa harapan ko ang paligid.
"Chill Ja! Seriousness can kill sometimes!!"
"And did you know dally can send you to death? You're making me hot under the collar Tristan!!" Nagpapabalik balik nalang ang tingin ko sa kanila.
Sobra na ang tahip ng dibdib ko dahil alam kong isa sila sa tumutugis sa akin. Now they catch me! Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? If I'm not mistaken they maybe Mafia or agents of Italy. Sa paraan ng pag-uusap nila mukhang kayang kaya nila akong saktan makuha lang ang impormasyong gusto nila.
"You're really a sober agent!!" Muli akong napatingin sa kanila ng magsalita yung lalaki. Halos hindi na ako humihinga ng muli nya akong tignan. "You know what is Mafia? Do you ever have idea regarding to that word?" Mafia? Dapat ko bang sabihin na meron akong ideya sa salitang 'yon pero hindi gano'n kalalim? Paano kung tanungin nila kung saan ko nakuha ang ideya?
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"