Chapter 27: Ace

446 17 0
                                    

Trix POV

"Kapag naunahan nyo kong mahanap sya---- hahayaan ko kayong makalapit pa rin sa kanya. Hahayaan ko kayong suyuin sya at humingi ng pagkakataon sa kanya. Pero pag ako ang nauna ito ang tandaan nyo---- huwag na kayong umasa na makakalapit pa kayo sa kanya!! Kahit dulo ng buhok nya hinding hindi ko ipapaubaya sa inyo!!"

Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa pandinig ko ang linyang 'yan ni Tito Jacob. Lahat kami ay nagkatinginan pagkatapos nyang banggitin ang mga salitang 'yon. Ewan ko ba pero may kung anong sumabog sa akin ng makita ang mga mata ng ka-gang ko---- lalong lalo na ang kay Ice.

Matagal. Matagal kaming nagtinginan. Unang tumayo si Ice at agad dumiretso sa kwarto nya. Gano'n din ang ginawa namin.

Mabilis akong naligo. Hindi ko alam kung bakit masaya ako. Pakiramdam ko kasi ay lumitaw na naman ang alas ng Poisonous Gang. Ito yung alas na hindi lahat ng grupo ay meron. Ito yung alas na mahirap hanapin sa oras ng kaguluhan. Ito yung alas na sobrang hirap buuin at gawin. Ito yung alas na sobrang hinahangaan ko sa tuwing lumalabas sa amin. Ito na naman kami, ipapamalas kung gaano kaisa at katatag ang Poisonous Gang, kung gaano kami kabuo at kalakas sa gitna ng problema. Akala ko tuluyan na kaming magigiba, nakalimutan ko may alas pa nga pala kami.

Hindi man pare-pareho ang pananaw namin sa kung ano ang nangyayari sa paligid, pero ngayon sigurado na akong hindi 'yon magiging rason para magkawatak kami. Pakiramdamn ko iyon ang nagpaalala sa amin na isa kami. At 'yon ang alas ng PG. Alas namin ang pagkakaisa at pagkakaintindihan sa gitna ng matinding problema at pagkakaiba.  Kaya naming kalimutan lahat ng personal na galit sa isa't isa malutas lang ang problema. At hindi lahat kayang gawin 'yon.

"Let just eat outside!!" Tumakbo ako ng makitang ako nalang ang kulang. Napangiti ako ng makitang kumpleto kami---- at sa kanya nakatingin. Kumpleto kami sa harap ng leader naming si Ice.

"Paano ang mga kalat na 'yon?!" Nakangiti kong tanong habang inaayos ang pagkakatupi ng long sleeve kong polo. Nagsimula kaming maglakad palabas.

"Linisan nyo 'yang dalawa mamaya ha!!" Lahat kami ay natigilan dahil sa paglipad ng isang picture frame mula sa likod.

"Damn!!" Mahina akong napatawa sa murang 'yon ni Liam. Alam kong literal syang napatalon sa gulat dahil sa pagbato ni Vince. Tang1na matagal din syang hindi namato.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon