Jhea POV
"Kain ka nalang dyan may pinuntahan lang kami" Basa ko sa laman ng sticky notes na nakadikit sa TV. Ngumiti nalang ako bago pumunta sa kusina.
Napangiti ako ng mabuksan ang nakatakip na pagkain sa lamesa. Lahat 'yon ay paborito ko, nuggets, pork chop, and bacon. Naupo ako. Nanatili ang tingin ko doon sa pork chop. Ang ulam na nagpapaalala sa akin sa isang tao. Isang taong may pagka-manyak, na minsan ay hindi ko alam ang mga pinagsasabi.
"Hoy Trix baka manyakin mo yan ha? Tang1namo patay ka sa amin" Paalala ulit ni Vince habang papalabas sila. Aalis sila ngayon para daw mag-enroll. Tapos na kasing mag-enroll si Trix kaya sya lang ang hindi kasama.
"Trix I'm warning you" Napapailing na humalakhak si Trix at ang iba dahil sa sinabing 'yon ni Ice.
"David exception sya, remember that" Si Liam. Maging ako ay nagsasalubong ang kilay dahil sa mga sinasabi nila.
"Tang1na nyo magsilayas na nga kayo!!" Natatawang singhal nya sa mga ito. Sunod sunod pa ang naging bilin ng mga ito bago tuluyang umalis. "Kala naman nila pagnanasahan kita" Natatawang usal nya. Umakbay sya sa akin at dinala ako sa kusina. "Anong gusto mong ulam?" Tiningala ko sya at ngumiti.
"Gusto ko ng pork chop" Mabilis kong sagot.
"Huh? Bakit pork chop? Wag na 'yon, ayokong magluto no'n. Si Vince lang ang malakas ang loob na magluto no'n sa aming lahat"
"Ihhh iyon nga ang gusto ko eh!! Sige na Trix please!" Pagmamakaawa ko. Hindi ko alam, kakakain lang naman namin no'n nung nakaraang araw pero hinahanap na naman sya ng panlasa ko.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"