Jhea POV
"Hindi ako nagsusuot nyan Ate Jai!!" Sigaw ko sa kanya ng kunin nya ang isang maikling skirt at hanging blouse.
"What?! C'mon Jhea 21 years old ka na dress pa rin ang alam mong suotin, try other fashion!!" Sermon ni Ate Jairen. Nagdabog dabog ako kaya naman natatawa at mangha kaming tinignan ng mga saleslady.
"Ayoko nga Ate. Magagalit nga sina Ice. Ayaw nila akong pagsuotin---"
"What? Hayaan mo sila. C'mon dalaga ka na oh!! Hindi ka na bata para laging mag-bestida!!" Tatawa tawa lang si Ate Jairah habang sini-sermunan ako ni Ate Jairen. Ngumuso nalang ako at nanahimik sa tabi nya.
Ano ba naman kasi 'yang mga pinagpipili nila eh. Puro mga shorts at sexy top. Hindi ako komportable sa mga ganoong damit, wala pa akong naalalang nagsuot ako ng gano'n.
"Displaying too much skin isn't bad. And besides ang tanda tanda mo na oh! Tsk! Pag magkakasama tayo hindi ka nahihiya? Ikaw lang naka-dress!!" Humahalakhak na sabi ni Ate Jai. Napatingin ako sa suot ko at sa suot nilang dalawa.
Bumuntong hininga ako bago silipin ang laman ng limang shopping bag na hawak ko. Sabagay napapansin ko rin 'yon. Kapag magkakasama kaming sampung mga babae ay ako lang ang naka-dress, lahat sila ay ang gaganda ng porma. Pero wala namang masama sa dress ah! Bata lang ba ang pwedeng mag-dress?
"Bukas pag naggala ka kasama ang BD and SSG yung black shorts at maroon hanging blouse na may tatak na X ang suotin mo. Swear magmumukha kang dalagang dalaga!!" Ngumuso lang ako kay Ate Jai na pumapalakpak pa habang umuupo. Magkatabi kami samantalang si Ate Ren ay nasa harap namin at abala sa pagtingin sa menu.
"So how are you and Zero?" Tanong ni Ate Jairen pag-alis nung waiter. Ngumuso ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pakiramdam ko ay ngayon ko nalang ulit naalala si Zero pagkatapos nung huling pag-uusap namin last week.
"Ewan ko nga eh. Isang beses lang syang nagparamdam sa akin simula nung umalis sya!!"
"Baka naman may babae na!!" Pinandilatan ko ng mata ang humahalakhak na katabi ko. "Oh bakit hindi nagpaparamdam sayo? Tsk! Tsk! Tsk!!" Umiling iling sya habang nakangisi. "Nagbu- boyfriend boyfriend ka na samantalang halos wala ka pang alam sa love!!" Unang humalakhak si Ate Jairen, bago si Ate Jairah. Ngumuso muna ako at parang batang yumuko sa lamesa.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"