Chapter 60: Sweet

378 13 1
                                    

Xan POV


"You fvcker!!"

"Watch your word!!"

"Bakit? Anong gagawin mo? Ha? Ha?"

"Pamamagain ko yang labi mo gamit yung akin!!"

Yumuko ako sa armrest ko para itago ang malaking ngiti sa mga labi ko. I can't control my lips from curving sa tuwing naaalala ko ang mga katangahang nasasabi ko sa babaeng 'yon. Nag-angat ako ng paningin at umayos ng upo para hanapin sya.

Nakaupo sya sa harapan katabi si Marj, malayong malayo sa inuupuan naming tatlo nina Bryle at Liam, nasa pinakadulo kami. Bumuntong hininga ako ng hindi sya maabot ng paningin ko dahil sa mga kaklase naming nakaharang. Damn it! Bakit naman kasi ang layo layo ng inupuan nila?

"I saw him with Hera and Aimee yesterday!!" Sobrang hina ng pagkakasabi ni Liam no'n pero sapat na para marinig ko. Bahagya kong hinawi si Bryle na syang nasa pagitan namin para makita si Liam. Ano yung pinag-uusapan nila?

"Me too!!" Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ng katabi ko na naging dahilan ng paglipat ng paningin ko sa kanya. "Nakita ko rin silang tatlo one time sa isang theme park. But I still has problem with my life, to my wife kaya hindi ko na pinansin. Clyde is old enough! Hayaan mo nalang syang magdesisyon para sa sarili nya, after all mari-realize nya din naman lahat!!"

"Ano ba 'yon?" Oo! Naiintindihan kong si Clyde at Hera ang pinag-uusapan nila pero anong kinalaman ni Aimee?

"About Cervantes twin. Kanina ka pa nakikinig--"

"Ano ba naman kayo? You should trust Clyde--"

"The last time I check he fail all of us!!" Sumarado ang bibig ko dahil sa sagot na 'yon ni Liam. "May problema rin ako pero hindi ko yata kayang manahimik habang alam kong posibleng mapahamak si Clyde dahil sa kagaguhan na naman nya!!" He tilt his head repeatedly pagkatapos ay tila pagod na sumandal sa likod ng upuan nya. "Hindi ko lang sila basta nakita. Yeah! I follow them. Kaya nasaksihan ko yung.... damn! They kissing and hugging in public for petes sake!! And Aimee beside them look so proud and happy. What the fvck right?" Mas lalo akong natahimik. Gano'n din si Bryle na halatang katulad ko ay mukhang nabigla. Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa mga naririnig.

They kissing and hugging in public? And Aimee just let them? Aimee let them. At bakit nya hinayaan? At unang una sa lahat bakit sila magkakasama?

Sandali! Bakit parang masyadong kumplikado ang imaheng iyon. Oo nga napansin ko na halos lahat sila ay magkakasundo na. They all look like real friends pero sigurado ako na hindi pa gano'n katibay ang tiwala nila sa isa't isa. Why do Hera or Clyde trust Aimee that way? Sigurado akong tama ang nakita ni Liam. Hindi nya sasabihin 'yon sa iba kung nagdadalawang isip sya kung totoo nga iyon, sigurado ako na sinigurado nyang tama ang nakita nya. And now I am very confuse. Hindi gano'n kadali makuha ang tiwala ni Clyde, and I feel Hera have the same characteristic kaya bakit nila kasama si Aimee?

Bvllsh1t! Ang gulo.

Lahat kami napansin na may pagbabago nga sa kilos ni Clyde. He look always joyful and energetic habang hawak yung cellphone nya pero hindi gaya ng iba, masaya akong nakikita ang pagbangon nya. Iniisip ko na baka may nahanap na syang kapalit dahil wala akong napapansing kakaiba sa pagitan nila ni Hera. Minsan rin naman pag napapasulyap ako kay Hera, nakikita ko syang hawak ang cellphone nya pero parang wala naman sa kanya kung ano man ang ginagawa nya doon. And yet, I observe the same thing to Aimee. Of course lagi ko syang tinitignan kaya naman nakikita ko ang pagtawa nya sa tuwing pumipindot sya sa cellphone nya na lagi nalang nyang kaharap. Did they text each other while they inside our circle? Ano sila siraulo? At bakit nila gagawin iyon? Bakit nasama si Aimee sa problema nina Clyde at Hera? What's going on that I didn't know?

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon