Chapter 13: Ice Forestier

413 17 4
                                    

Jhea POV

Napakunot ang noo ko ng makitang wala sila sa sala, at kung hindi ako nagkakamali ay nasa loob sila ng kusina dahil rinig na rinig dito ang pag-aasaran nila. Napanguso na ako, nagdadalawang isip tuloy ako kung pupunta ako sa kusina, hindi na ako sanay na kasabay silang kumain. Ipinihit ko na ang katawan ko pabalik sa kwarto ko, mamaya nalang siguro ako kakain.

"Jhea?!" Bahagyang nanlaki ang mata ko ng marinig ang masiglang pagtawag na 'yon. Nilingon ko sya at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha nya. "Tara na!! Kakain na!!" Napaawang ang bibig ko ng akbayan nya ako at pakaladkad na dalhin sa kusina.

"L-Liam a-aray!!" Naiilang kong  reklamo pero humalakhak lang sya at nagpatuloy sa pagkaladkad sa akin.

"Good evening Jhe!!" Kumakaway nyang bati habang hawak ang spatula. Malutong na mura at suntok ang nakuha nya kay Xan ng matalsikan ito ng mantikang galing sa spatula, nagtawanan sila at hindi ko napigilang mapasabay.

"Jhe Oh! Yung pork chop na paborito mong lutuin" Pang-asar silang mga humalakhak, kaya naman agad kong naramdaman ang pagkapal ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Basta talaga pork chop ang ulam ay ako agad ang aasarin nila. Kasalanan mo kaya 'yon Trix!!

"Para namang marunong kayong mgluto nyan!!" Ngumunguso kong bawi bago maupo. Nagpatuloy sila sa pagtatawanan kaya naman napapangiwi ako.

Tinignan ko silang lahat. Bahagya lang ngumingiti sa akin si Xan, samantalang si Liam, Vince, Bryle, Clyde, at Trix ay buo ang pagngiting binibigay sa akin. Napatigil ang tingin ko kay Daryl, hindi nya kasi ako nginingitian, tinataasan nya lang ako ng kilay, isang bagay na hindi naman nya ginagawa. Kadalasan nga ay sya ang panay ngiti sa akin, kaya bakit parang ang tabang nya ngayon?

"Lets eat!!" Masayang aya ni Clyde. Naupo na rin si Vince at inilagay ang pork chop na niluto nya sa lamesa. Dinampot na namin ang mga kutsara at tinidor namin at nagsimulang kumain.

"Pvta!!" Malakas na mura ni Bryle na nagpalingon sa amin. "Ang sarap!!" Tumatawa syang binato ni Vince ng maliit na karne na agad nyang hinampas ng kutsara pabalik kay Vince.

"Gag0 ka akala ko ano na!!" Nagtawanan na naman kami. Natapos kami sa pagkain ng masaya.

Gusto kong makampante. Gusto kong sabihin sa sarili ko na bukas ganyan pa rin sila, kaso natatakot na kasi ako. Natatakot ako na makakampante na naman ako na ganito kami tapos paggising ko na naman bukas masasaktan ako kasi malamig na naman sila. Masasaktan na naman tuloy ako at magkakaroon ng mas malalim na sama ng loob sa kanila. Kaya mas maganda na lagi kong ihahanda ang sarili ko sa maraming posibilidad.

"Jhe oh!!" Mabilis kong tinapos ang pag-inom at agad tumitig kay Vince.

"Ano yan?!" Tanong ko habang nakatingin sa tray na inaabot nya sa akin na may lamang pagkain.

"Oh hawakan mo muna, nangangalay na sya!!" Pag-agaw nya sa tray at sapilitang inabot sa akin. Napanguso ako kay Liam dahil sa ginawa nya.

"Ano ba kasi 'to?!" Parang bata kong tanong na patuloy ang pagmamasid doon sa Tray.

"Hindi pa kumakain si Ice. Pwede bang dalhin mo 'to sa kanya?!" Napaawang ang bibig ko sa pakiusap na 'yon ni Clyde.  Nilingon ko ang iba at lahat sila ay halatang hinihintay ang sagot ko.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon