Jhea POV
Mag-iisang linggo ng halos hindi kami nagkikita ni Ice, at sa totoo lang sa isang linggong iyon nababaliw ako. Iniisip ko kung sino bang kasama nya? Bakit kaya nakakayanan nyang hindi ako makita? Bakit parang ayos lang sa kanya ang lahat? Mag-iisang linggo na kaya sinunod ko na ang sarili ko, sa araw na 'to, biyernes, nagpaalam ako kay Zero na matutulog kasama ang mga ka-gang ko kahit ang totoo, gusto ko lang makausap si Ice.
"Talaga? Dito kayo matutulog?" Masayang tanong ko kay Bryle habang mas yumayakap sa kanya. Nakahilig sya sa counter habang ako ay halos lumalambitin na sa kanya.
"Nasasakal naman ako sayo beshy!!" Napapanguso akong mas niyakap sya.
"Namiss kita eh!!" Paglalambing ko sa kanya habang mas yumayakap. Mahigpit din syang yumakap sa akin pabalik habang tumatawa.
"Ako din!! Wala na kasing lumalambing sa akin sa umaga, puro bunganga ni Shanon!!" Sabay kaming tumawa. Sinenyasan nya akong wag maingay kaya naman tawang tawa akong tumango.
"Pangit!!" Sabay kaming napalingon. Nasa entrance ng kusina ang ngiting ngiting si Liam habang nakabuka ang mga braso.
"Liam aso!!" Halos patalon akong sumugod sa kanya ng yakap. Mahina pa syang dumaing bago ako mahinang tuktukan.
"Para kang si pikachu ah!!" Nang-aasar nyang sinabi habang tumatawa, nakikisabay sa kanya ang isa pang si Bryle. "Sakit!!" Hilot hilot nya ang bewang habang hinahatak ako papunta sa isang upuan. "Asaan sina Daryl at Xan?" Nakipag high-five pa sya kay Bryle. Napangiti ako ng makita sa mukha nilang dalawa ang pagkamangha. Hindi lang naman ako ang nakakamiss sa kanila, alam kong namimiss na din nila ang isa't isa.
"Tulog pa rin daw si Daryl sabi ni Clyde. Nagtapos daw ng thesis 'yon eh!! Si Xan hinatid yung Love nya!!" Maging ako ay napasabay sa tawanan nilang dalawa na halatang inaalaska na naman ang tawagan nung dalawa.
"Hay pvta!! Tang1na traffic---- Uy Jhe!!" Gulat na gulat ang mukha nya ng dumako sa akin ang paningin. Masaya kong sinalubong ang mahigpit na yakap ni Vince. "Magna-nine na ah?" Nagtatakang sinabi nya habang umuupo sa katabing upuan. "Hindi ka uuwi?" Masaya akong tumango habang sinisilip sya.
"Tang1na mo!!"
"Hindi ko nga napansin!! Tang1na mo makapag react ka parang may ninakaw naman ako sa kwarto mo!!"
Napabaling kaming lahat sa bukana ng kusina dahil sa naglilipanang murahan mula sa dalawang tao. Bumungad sa amin ang nakasimangot at halatang kakagising lang na si Daryl, at ang naka office attire na si Trix habang nakasimangot din. Pareho silang tumigil sandali habang nakatingin sa akin. Nakangiti akong kumaway bago sila salubungin.
"Uy Jhe!!
"My loves--- uy ako muna!!"
"Aray ko!!" Naghahalo ang tawa at iritasyon sa boses ko ng sabay nila akong dambain ng yakap.
"Tang1na ako muna. Lagi mo naman syang kasama!!"
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"