Chapter 76: Storm

300 7 0
                                    

Bryle POV

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago magpunta sa dulong kwarto na syang nagsisilbing office ni Daddy dito sa bahay. I know him well, siguradong may irireklamo na naman sya sa akin kaya nya ako pinapatawag. Nahimas ko ang batok sandali para palakasin ang loob, I'm a coward when it comes to my father lalo na at napakadalang lang nyang magsalita sa aming dalawa ni Kuya Bright, its always our Mom duty to correct us.

"Have a sit!!" Bungad nya agad habang nakatunghay lang sa mga papel na nasa ibabaw ng lamesa nya. Kamot ulo akong naupo sa harapang upuan. Tumuwid sya ng upo and my body seems aware that its time to be formal. "May isang teacher ang nakakita sa inyo ni Trix na naninigarilyo sa likuran ng school!!" Umpisa nya. Nagkamot ulit ako ng ulo bago mag-iwas ng tingin ng mag-angat sya ng mata. Argh! Sinong teacher naman 'yon? "Look Bryle, 10 years old ka palang para manigarilyo. Your brother is already 13 years old pero kahit kailan hindi pa sya nanigarilyo tapos ikaw?" Naiikot ko ang dila sa pisngi dahil sa sobrang dismayasyon. Iyan na naman sya sa pagbibida sa panganay nyang anak. "Look Bryle, Bright never give headache on us. Please? Kindly follow his tread?" Umirap ako bago nagdadabog na tumayo.

"Palagi naman syang bida. Pasensya na, hindi ko kayang sundan ang yapak ng mabait nyong anak!!" Matigas ang ekspresyon ko habang tinatahak ang daan palabas, wala akong pakialam sa mga sigaw at pagtawag nya sa akin.

Ayokong bastusin sila, it pained me when I know I hurt them pero kasi sobra na. Fine! Fine! Bright is better, Bright is kind, Bright is responsible, Bright is perfect okay Bright! Si Bright na ang bida, sya na ang tututukan ng spotlight sya na nga. I tried my best not to envied on him cause after all he deserve every compliment for his hard work. Tama lang na lagi syang purihin nina Mommy dahil sa totoo lang ay napakalayo talaga naming dalawa sa isa't isa ni Kuya, from attitude to school lahat ay magkaibang-magkaiba. He's matured, I'm childish. He's dedicated while I am not. He's a good boy certainly my opposite. Malayo nga! Walang wala ako kung paglalapitin kaming dalawa, tanggap ko. Tanggap ko naman eh, ang hindi ko lang matanggap ay ang halos araw araw nalang na pagkukumpara sa aming dalawa nina Mommy at Daddy. Kuntento ako sa kung sino ako, pero kapag pinapagalitan nila ako at idadawit ang pangalan ni Kuya nanliliit ako ng sobra. Why can't they correct me without mentioning 'Buti pa ang Kuya mo....', 'Yung Kuya mo nga...' Napaka pvtang1nang pangungusap. Comparing! Comparing! Comparing! Can't they talk without comparing me to their perfect son?

Ang ideya ng pagtatanim ng sama ng loob para kay Kuya Bright ay hindi ko gusto. We're like friends, magkasundo kami ni Kuya, because he's just 3 years older than me. Sa bahay na 'to, sya lang ang nakakakita ng lahat ng effort ko. My brother is so kind, kahit pa lagi ko syang binubulyawan, minumura, inaasar at paminsan minsang naipapahamak he never fail to be my brother. Lagi pa rin syang nakaalalay at nasa likod ko. Even I'm an ass he still protect me from our parents sharp word. Palagi ko syang naririnig na sinasabihan sina Mommy at Daddy na wag akong ikumpara sa kanya, I always hear him cleared my name. Palagi nyang sinasabi na wag akong piliting maging mabuting bata dahil kusa ko iyong matututunan kapag nagkaroon na ako ng sapat na pag-iisip. I hated my brother for having that soft personality, hindi ko na alam kung minsan ba ay pasasalamatan ko sya o mumurahin dahil sa pagtatanggol sa akin. Nakakakonsensya kasi sa tuwing nagkakaroon ako ng inis sakanya samantalang sya walang ibang ginawa kung hindi iparamdam sa akin na naiintindihan nya ako.

"Nalaman na rin ni Daddy!!" Walang buhay na sinabi ng katabi kong si Trix habang binubunot bunot ang damo sa sahig ng West Elementary garden. "He's mad, what's new? Pero hindi naman nya ako sinaktan, he just ask me to stop!!"

"You'll stop?" Gulat kong tanong.

"In public" Nakangisi nyang sinabi bago mahiga at gawing unan ang dalawa nyang braso. "I don't want Dad to be mad, pero ayoko ring tumigil. You know? Cigar stick is part of my dessert!!" Umirap ako bago rin mahiga sa tabi nya.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon