Chapter 5: Vince Ferrer

323 18 0
                                    

Jhea POV

"Morning!!" Pinilit kong ngumiti ng natural pero nagmukha lang akong tanga dahil hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Napatango nalang ako bago dumiretso sa kusina. Mas magmumukha lang akong tanga kung hihintayin ko pa ang response nila.

Tumigil muna ako sa harap ng kusina at huminga ng malalim. Nung nakaraang araw ay napaiyak na naman ako at sa harapan pa ni Liam. At ayoko ng mangyari ulit 'yon.

"Morning!!" Napalingon ako sa bumating iyon mula sa likod. Inakbayan nya ako at sinabay papasok sa kusina. Sobrang na-miss ko ang pag-akbay mo Daryl, ninyo. "Nasaan ang almusal namin yaya Vince?" Humalakhak sya. Napangiti na rin ako dahil bumakas agad ang pagkapikon sa mukha ni Vince. "ARAY!! Tang---- argh!!" Halos mamilipit sya sa pag-inda ng braso nya. Tinamaan kasi iyon ng stainless na sandok na ibinato sa kanya ni Vince.

"Magluto ka mag-isa mong hay0p ka!!" Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa ng magwalk-out si Vince. Inis na inis ang etsura nya, napanguso ako. Naghahalo kasi sya ng niluluto nya nung dumating kami, tapos iyon lang ang sinabi ni Daryl, binato nya agad ng sandok at nagwalk-out.

Bakit nga ba pikong pikon si Vince pag tinatawag syang yaya?

"Yaya Vince?" Malakas na sigaw ni Daryl habang papapasok kami ng kusina. Natatawa akong sumusunod sa kanya, wala rin naman akong choice dahil nakaakbay sya sa akin.

"You childish!" Literal akong napatalon ng lumipad ang isang sapatos sa mukha ni Daryl. Diretso itong tumama sa mukha nya.

"Waaah! Ang sakit ICE!!! CLYDE!! LIAMMMMMMM Aray!!!" Nataranta ako at agad naupo para silipin ang mukha ni Daryl.

"TANGINA MO DARYL!! WAG MO KAMING IDAMAY SA KATARANTADUHAN NYO DYAN" Sigaw ni Trix mula sa sala, sinundan iyon ng nangingibabaw na tawa ni Xan, at ng iba. Nagsalubong ang kilay ko sa inis. Nasaktan na nga si Daryl ay tumatawa pa sila.

"Dyan ka lang Daryl igaganti kita" Maaksyon kong pinulot ang sapatos ni Vince.

Galit akong lumabas ng kusina at agad hinanap si Vince. Nakita ko sya sa may terrace, tahimik syang nakasandal sa terrace habang nakatanaw sa malayo. Biglang nawala ang inis ko, binitawan ko ang sapatos at tumabi sa kanya.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon