Chapter 63: Shyle

376 15 0
                                    

Jhea POV

"AYON NGA KASI YUNG POLARIS OH!!" Naiirita ko ng sigaw sa nasa likod kong si Ice. His arm was wrapped all over my waist habang ang baba nya ay nakasandal sa balikat ko. "Hindi kasi makaintindi!!" Galit kong bulong. Nilingon ko sya ng humalakhak na naman sya.


Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko kaya naman pinanood ko ang bawat galaw no'n. He intertwined our fingers. Nangunot ang noo ko, pilit kong inaalala kung hinawakan na ba nya, o nila ang kamay ko sa ganitong paraan noon. I guess no! Kahit anong halukay ko sa memorya ko ay wala talaga akong maalala. Ice? What are you doing to me? Ano yung mga nilalagay mong pakiramdam sa akin, its all new.


"We already know what is polaris before you traced it Princess!!" Muli akong napabaling sa kanya. Ngumuso ako. Alam na daw nya pero hindi ko man lang maramdaman na tinitignan nya ang tinuturo ko. Nananatili lang nakasubsob ang mukha nya sa balikat ko.

"Sinungaling!!" Singhal ko bago muling tumingin sa langit.

Nasa may terrace kami. Naglatag lang kami ng sapin doon pagkatapos ay naupo na kami. I convinced him na hintayin namin si Trix at Vince, pati na rin si Daryl at Xan. Si Clyde kasi ay halos doon na tumira sa bahay nina Aimee para laging dalawin si Hera, I mean Ailee, si Liam naman ay abalang abala sa wedding preparation nila, habang si Bryle ay madalang pa sa madalang kung pumunta dito.



Maraming nangyari sa nakalipas na apat na buwan. Una ay nanganak si Shanon, pangalawa ay muling nag-propose si Liam kay Ate, pero sa pagkakataong iyon ay enggrande na. That was a big party na umagaw sa atensyon ng lahat. Ginawa nya ang second proposal sa harap ni Daddy at ng pamilya nya, together with the other people. And the third, Hera is comatose. Mula nung araw na 'yon ay hindi pa sya gumigising. Yesterday nung binisita namin sya sa bahay nila ay panay ang iyak ni Aimee, maging ang Mommy at Daddy nya na nalaman na rin ang totoo, even Clyde look so absence that time, 'yon pala ay sinabi ng Doctor na kung hindi pa gigising si Hera, I mean Ailee after 3 months ay kailangan na nilang ihanda ang sarili nila. According to her doctor, walang improvement ang pasyente, sa katunayan nga daw ay mas lalong humihina ang puso nito habang tumatagal. I believed on her, pero hindi ko maiwasang mangamba minsan. What if hindi nya kayanin? What if?


"You miss them?" Bumalik ako sa reyalidad ng marinig sya. Mapait akong napangisi ng mapagtanto ang tanong nya. Mas sumiksik ako sa kanya dahil nilalamig na ako.


"Aren't you?" Mapait kong tanong pabalik. I know you are.

"I am!!" Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko. "Understand them for now. Sigurado akong babawi sila!!" Umiling ako. I'm done hoping Ice. You know what ang tagal kong hinintay yung pagbawi nila na sinasabi mo. But look? They still keep ignoring me. Ilang buwan na ba ang lumipas na tanging ikaw lang ang natitira sa tabi ko?


"Tulog na tayo. Baka hindi sila uuwi" Hanggat maaari ayoko ng pag-usapan pa. Kung gusto na nilang alisin ako sa buhay nila, sino ba ako para magreklamo at mag-demand. I'm just Jhea, their what so called princess.



Kahit kailan hindi ko naisip na mamaliitin ko ng ganito ang turing nyo sa akin. Coz honestly I always believing that I am always on your top list, na kahit anong mangyari, sino man ang dumating, mananatili akong una... but I'm wrong. Hindi ko dapat pinanghawakan iyon. Hindi ko dapat pinaniwalaan iyon. Nasasaktan tuloy ako ngayon dahil sa kahibangan ko.



POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon