my late younger sister Jade.

48 0 0
                                    

Bata palang kami ramdam ko na na kakaiba talaga si jade sa normal na bata. Alam ko na sa sarili ko na shes different. The way she talk, the way she look. May kakaiba talaga. hindi sya palakaibigan at pala-labas na bata. She has a slight obsession sa dolls and stuffed toys. Madalas syang madinig nang mama kong may kausap kahit wala namang tao. Hindi naman kami nabahala kasi minsan gawain talaga ng mga bata na kausapin yung toys nila pag naglalaro.

One night, nagulat kaming lahat sa ginawa nya. She played my great grand father's piano. Luma na yung piano na yon. Nakatambak nalang at nakatago. She was only 7 years old back then. Ang nakakapagtaka pa don ay wala namang nagturo na magpiano sa kanya. Walang marunong tumugtog saamin kaya nakastock nalang yung piano. Noong lumabas sya may bitbit na syang lumang bear. Ang sabi nya nasa loob raw ng piano yun.

Lumipas ang mga araw At yung mga incidents na nadidinig namin syang may kausap inside her room, lalong nadagdagan. Lalong lumala Minsan nadidinig ko syang tumatawa at parang may kausap. Ang nakakabahala pa doon ay hindi pamilyar na lenggwahe na ang ginagamit nya.

May time pa nga na binigyan nya ko ng bracelet. Regalo daw sakanya ng bear nya. Kinabahan ako ng makita kong Hindi iyon ordinaryong bracelet. Isa iyong Tag na inilalagay sa mga pasyenteng namatay sa hospital at dadalhin na sa morgue. Nangilabot ako ng makita ko yun dahil saan nya makukuha ang ganoong bagay kung hindi naman sya lumalabas ng bahay.
dahil don pinacheck namin si jade sa psychiatrist. Wala namang nakitang problem yung doctor.

Nung umuwi kami inaya ko syang maglaro pero ayaw nya. Instead, umakyat sya sa kwarto nya at pinagtatanggal nya yung ulo ng mga stuffed toys at barbie nya. Ang sabi nya pa bad daw sila kaya Ginuting nya LAHAT at sinira. Dahil don napagalitan sya ni mama kaya siguro nagtampo at nagkulong. Buong gabi nadidinig namin yung tugtog ng lumang piano.

Hanggang sa kinabukasan, nakita nalang si jade na nakaub-ub sa piano at wala ng buhay. Walang doctor na nakapagpaliwanag o nakapagsabi kung anong ikinamatay nya kaya Hanggang ngayon palaisipan pa din sakin kung anong nagyari sa kapatid ko. Ang sabi ng ibang relatives namin may problema daw sa utak si jade. Ang sabi naman ng ibang matatandang kamag anak namin na pagmamay ari ng diablo yung piano at may sumpa daw iyon. Hindi daw dapat iyon pinakialaman ni jade.

Madaming naging haka haka ang mga tao sa paligid ko kung bakit sya kinuha ng maaga. Pero ako? Lahat ng iyon isinisisi ko sa lumang bear na bigla nalang nawala matapos mamatay si jade.

Lahat ng to nangyari 6 years ago. May mga times na Feeling ko siya yung tumatabi sakin kapag nararamdaman kong lumulubog yung isang side ng kama ko paminsan minsan. iniisip ko na siguro namimiss din ako ni jade. kasi ako? Miss na miss ko na sya.

Amiel.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon