Chapter 01

1.3K 61 1
                                    

"FIRST MEET"

Aya's Point of View

Naglalakad ako sa hallway papunta sa Dean Office na itinuro sakin ng pinagtanungan ko. Isa akong transfer student dito sa tinatawag nilang Sioson High sa Cavite.

"Kyaahh.."

“Ayan na sya...”

“Ang gwapo nya!”

“Handa nakung mamatay kasi nakita ko na sya,grabe!”sigawan at tilian ng mga babae sabay takbo papunta sa nasa likuran ko.

Sa sobrang pagmamadali nilang sumiksik sakin at para malapitan lang yung nasa likod ko ay hindi na nila ako nagawang pansinin,kaya natumba ako.

"A-araayy!"inda ko matapos akong mabara. Itinuon ko ang palad ko sa simento nung matumba ako. Agad ko ring pinagpagan ang mabuhangin kong mga kamay.

d>>_<<b

‘Buset naman oh! Pag di ako nakapagtimpi paguumbog umbogin ko sila isa isa! Ke umaga umaga, sisirain agad nila ang araw ko!’

Huhugot na sana ako ng lakas para tumayo ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"Miss are you okay?"tanong ng isang malambing na boses ng lalaki. Nilingon ko sya sa gilid ko at nakita ko syang papunta sa harapan ko. "Hey,are you okay?"tanong nyang muli sakin nung nasa harap ko na sya. Pinasadahan nya pa ang kabuoan ko para tingnan kung may nangyari ba sakin. "Miss. Ano?" Pero imbis na makasagot ako ay natulala lang ako sa kanya. Para bang nag slowmotion ang lahat.

Ang bawat pagbigkas nya ng mga salita maging kurap ng mata nya at yung titig nya sakin ay naging dahilan ng pagiging lutang ko. Hindi ko alam kung bakit parang napunta ako sa isang napakagandang panaginip.

**TUG! DUG!**

**TUG! DUG!**

**TUG! DUG!**

Hindi ko alam pero ang bawat pintig ng puso ko ay dinig na dinig ko. "Miss, Hey!"yugyog nya sa balikat ko kaya bumalik ako sa ulirat.

"A-ah Oo.I'm f-fine"hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naging utal sa pagsasalita.

"Are you sure?"pangungumpirma nya. "Wala ka bang sugat?" tanong nya na sinulyapan pa ng tingin ang braso ko.

"Yes. I do, I will marry you!"hindi ko alam kung ano ba yung mga sinasabi ko. Basta kusang nagsasalita ang mga yun.

'Anong kabaliwan naman yan,Aya!?'

"What.what did you say?"medyo nangingiti nyang tanong sakin.

'Ano bang kagagahan yan Aya, nakakahiya ka!'

"W-Wala,okay lang hihi"bumungisngis ako saka tinulungan nya akong makatayo sa pagkakatumba ko kanina. "Salamat."sabay kong ngiti sa kanya.

"Wahhh?grabe. Ang gwapo nya talaga!"

"Napakagentleman!"

"Kyaahh, Nash Ko!"tili nung mga babae.

"Ang swerte ni Ate girl, nahawakan nya si Nash.."

"At nakausap nya pa, grabe!"

'Sya ba yung pinagkakaguluhan nila kanina. Sikat pala sya ha. Wow!'

"By the way I'm Nash Tuazon."lahad nya ng kamay nya bilang pagpapakilala.

Hindi ko na pinatagal pa ang mga yun sa ere at iniabot ko na ang kamay ko sa kanya. "Ahmm Aya De Guzman."nagtitigan pa kami ng ilang segundo bago sya muling magsalita.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon