Aya Point of View
Wala ng naging usapan pa matapos ang eksena kanina ng biglang paghalik ni Jiro sa akin. Hindi ko yun inaasahan kaya nagulat ako, hindi ko alam kung paano tutugunan ang halik nya dahil wala pa akong alam sa ganun pero pinaubaya ko nalang ang labi ko sa ginagawa nya. Halos mamula ako pagkabitaw nya ng labi ko at wala na talaga akong nasabi dahil na awkward ako bigla sa ginawa namin.
"Andito na tayo honeybabe!"ani Jiro na sumulyap pa sakin. Wala sa sarili namang napatingin sa kanya at binigyan sya ng nagtatanong na tingin. "Andito na tayo sa inyo."anya na sinulyapan pa ng tingin ang bahay ko.
"Ah. O-Oo nga. Sigeh.."halos utal na ako sa pagsasalita kaya mabilis nalang akong bumaba sa kotse kasi hindi ko na alam ang sasabihin ko. Huminto na ang ulan kanina lang. Pagkalabas ko ay sya rin namang labas ni Jiro at sinalubong ako.
"Aya!"napalingon kami sa gawing kanan ko at nakita ko doon si Jarren na naglalakad papalapit sa aming dalawa ni Jiro. "Saan ka ba galing, kanina pa kita inaantay."anya na sinulyapan pa ng tingin si Jiro. "Teka, bakit nakahubad ka naman?"tanong nya kay Jiro.
Sinulyapan ni Jiro ang sarili saka sumulyap sakin. Sinalubong ko ang tingin nya at meron syang mapanuksong ngiti na animoy may gagawin na namang kalokohan.
"Ano pa ba sa tingin mo?"ani Jiro na may nakakalokong ngisi na kahit sino ay hindi maganda ang mabubuo sa isipan dahil sa ngisi nitong abnormal na toh. "Bakit nga ba naghuhubad?"dagdag pa nya na sumulyap sakin saka kinagat ang ibaba nyang labi.
Bwesit na lalaking to', umayos ka..mapapatay kita mamaya. Wag na wag mong susubukan na sabihin na nagkiss tayo, dahil masasapak talaga kitaaa..
Nanlaki ang mga mata ni Jarren na lumingon sa akin at sa pagkakatingin ko ay iyon na nga ang masamang naiisip nya. "Aya? Isinuko mona?"nakaawang ang bibig nya habang hinihintay ang sagot ko.
"Anong isinuko ang pinagsasasabi mo?"inosenteng tanong ko kasi hindi ko naman talaga alam yung pinupunto nya. Narinig ko pa ang pigil na tawa ni Jiro dahil sa pagkakakagat nya sa labi. Inisip ko ang pinupunto ni Jarren at nanlaki bigla ang mga mata ko. Sira ulo! Mukha bang isusuko ko agad yun. Loko loko talaga tong kaibigan kong to' eh. Naisip ko ang posibleng isipin ni Jarren dahil sa nakakahangal na itinanong ni Jiro kung bakit nga ba naghuhubad! "Baliw!"singhal ko kay Jarren. "Ano bang kelangan mo?"
"Kanina pa kasi kita hinahanap, sinabi kasi sakin ni Tito na death Anniversary ni Tita bukas. Naisip ko na puntahan na natin ngayun kaso.."napakamot ako sa kilay ko. "Ang tagal mo naman, hapon na kaya. Saan ka ba nagpunta at ngayun ka lang dumating?"
"Nanuod kami ng sine, tapos dumalaw na kami sa puntod ni Mama."sagot ko sa kanya. "Bakit kasi hindi ka tumawag, edi sana naisama ka namin."dagdag ko pa.
"Tsk. Inaantay nga kasi kita dito, akala ko naman may pinuntahan kalang."sagot nya naman.
"Tara na nga sa loob, kasi nilalamig naku."reklamo ni Jiro na nagpaunang maglakad papalapit sa mini gate ko. Agad ko naman iyong binuksan at saka kami nagtuloy.
"Paalis na sana ako kanina eh kaso nakita ko naman yung kotse ni Jiro, kaya ako huminto."dagdag ni Jarren matapos makapasok sa loob.
"Dapat umalis ka na."painsultong ani Jiro dito. "Hindi mo na dapat kami inantay."dagdag nya pa.
"Tsk ano bang paki alam mo kung huminto ako at intayin si Aya?"naiinsultong tanong naman ni Jarren.
"May pakialam ako, kasi girlfriend ko yan."diniinan talaga ni Jiro sa salitang 'girlfriend'. "Lalo na at merong lalaki na pumuporma sa kaniya."tiningnan ni Jiro si Jarren sa baba pataas.
Hindi nakasagot si Jarren sa sinabi ni Jiro. May namumuong tensyon sa pagitan ng mga titig nilang dalawa kaya suminghal nalang ako para mabasag yun.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...