Chapter 25: One Week Punishment

313 39 1
                                    

Jiro Point of View

Hinawakan ko na ang itak at saka hinawakan sa gilid ang buko. "Dahan dahan lang huh,baka mataga ka nyan!"paalala nya sakin. Tinaga ko na yung buko pero hindi yung sobrang lakas kasi nangingilo ako na baka mataga ko yung mga daliri ko."Hawakan mo yang buko ng maayos. Wag mong bitawan kapag tatagain mo na."pagtuturo nya sakin. "Paano ka nyan matatapos,tingnan mo!"anya na itinuro ang bukong tinataga ko. "Halos puro taga na yan lahat pero hindi mo parin nabubuksan."sumbat na naman nyang nakakarindi sa pandinig ko.

"Baka masugatan ako eh."anas ko sa kanya.

"Kaya nga dahan dahanin mo eh."

"Eh kung ikaw nalang kaya dito. Total ikaw naman dyan yata ang may alam at dakdak ka ng dakdak."abot ko sa kanya ng itak pero tumanggi sya. "Aya mo pala eh."sabi ko sa kanya saka siniringan sya ng tingin.

"Talagang ayaw ko. Gawain mo yan eh,tapusin mo."anya na tumayo na.

"Oo na."inis naring sagot ko saka hinawakan ulit yung buko ata saka sabay taga doon.

"Lakasan mo naman,para ka nyang hindi lalaki eh."sabat na naman nya.

"Pwede bang tumahimik ka dyan. Kung ano ano nalang ang napapasin ko! Baka gusto mong sungalngalan ko yang bibig mo nitong buko!"inis na talagang sabi ko.

Natahimik naman sya. "Oo na. Sige tapusin mo na yan. Ang bagal bagal mo. Parang hindi ka nyan kumain.."anya na naglakad ng konte papalayo sakin.

"Hindi pa naman talaga ako nakain eh!"pasigaw kong sumbat sa kanya. "Dahil dyan sa kalokohan mong papuntahin ako sa bahay mo ng halos madaling araw palang para ipagluto ka ng kakainin mo!"napahinto naman sya sa paglalakad. "Dapat nga hindi ko 'to ginagawa eh!"bulong ko.

"Aba! At bakit, aber?"anya na nakamay-awang.

Napalunok naman akong tumingin din sa kanya."Hiling lang yun ng mga tao ah."

"Sus! Ilang beses ko pa bang ipapaalala sayo na ikaw mismo yung agad na lumapit pagkasigaw sigaw lang nila."

"S-syempre. P-para hindi nila mahalata. M-malay mo."nakangusong sagot ko sa kanya.

"Ay sus! Ang dami mo pang dahilan!"nakangiwing anya.

"Ikaw naman talaga ang nagsimula ng lahat ng yun. Kung hindi mo ako sinuntok, edi sana walang pangsosorpresa na ginawa sakin si Nash."sumbat ko na naman sa kanya.

"Anong ako?"tanong nya na nakaturo pa sa sarili nya na unti unting lumalapit sakin. "Hoy! alalahanin mo. Ikaw ang nagsimula nitong lahat,kung hindi mo ako inakbayan dati at hindi mo sinabing girlfriend mo ako,edi sana wala ang lahat ng ito. Walang pagdurusang nangyayare sa buhay ko!"

"E bakit ka pa pumayag kung pwede namang tumanggi ka!"

"Eh kasi yang mukha mo noon, nagmamakaawa ng tingin sakin."turo nya sa mukha ko. "Aba teka nga! At bakit sakin napunta yung usapan? sige hala,tapasan mo na yang lahat!"

"Tsk. Dapat ikaw ang gumagawa ng punishment dahil dyan sa naiisip mong rule eh."pabulong pero alam kong rinig nya.

Nanlaki ang mata nya saka kumunot ang noo. Tumingin na naman sya sakin ng diretso. "At bakit na naman?"

Hinarap ko naman sya. "Nakatikim ka lang naman ng halik ng 'Pinaka gwapo' sa lahat!"pagmamalaki kong sabi sa kanya.

"WOW..diin na diin talaga dun sa pinakagwapo ha,'KAPAL!"pagdidiin nya rin sa sinabi nya.

"Hindi patas yung rule na ginawa ko eh. Mag dadagdag pa ako!" nilingon naman nya ako saka tumingin ng nag aantay. "Napapansin ko na ang hilig mong kuhaan ako ng picture. Kaya naman, pinagbabawal ko na rin yun."nanlaki naman ang mga mata nya. "Lalo na at hindi ko alam ang pagkuha mo nun. Mas malaki at mahirap na punishment ang kahaharapin mo!"

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon