Aya Point of View
Nakaramdam na ako ng pananakit ng paa sa sobrang pagod. Talagang ibinigay ko na lahat ng lakas ko sa pagtakbo at sa hina na ng boses ng tatlong lalaking yun ay nasisiguro kong malayo na ako sa kanila. May madadaanan akong konteng madilim na bahagi ng kalsada na dinaanan ko at doon ay agad akong nagpalamon sa dilim saka pumunta sa tabi at nagtago sa gilid ng basurahan.
Dinig na dinig ko ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko, para akong sumali sa karera ng takbuhan at animoy naghahabol hinga na ako. Agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan si Jiro, pero ring lang ng ring at di nya sinasagot. Jiro..sumagot ka please.. Kailangan kita. Tulungan mo ako! Sinikap kong maging kalmado habang nagriring pa ang kabilang linya, sumulyap ako sa kalsada at nakita kong medyo malayo pa yung mga lalaki. Bakit di mo sinasagot!? Halos pahirapan pa ang pagbuntong hininga ko at na animoy nawawalan na ng pag asa.
"Ahh aalis narin ako Aya. Tiningnan ko lang kung nandito ka at kung okay lang ang lagay mo. Kasi alam mona, yun ang sabi ni tito.."
"Siguruhin ko daw na 'safe' ka parati!"
Nagbalik sa isipan ko ang sinabi ni Jarren kanina nung nasa bahay sya kaya naman may nabuo paring pag asa sakin at natatarantang itinype ko ang numero ni Jarren.
"Mga pare! Ako ang una ah!"
"Hindi pare, ako ang una. Ako ang nakakita sa kanya!"
"Wag kayong magtalo, dapat ako ang mauna HAHAHHA!"
Naririnig ko na ang unti unting paglakas ng tinig ng mga lalaking iyon at lalo akong kinabahan. Jarren, sagutin mo please..Pinalitan ko ng vibration mode dahil nasisiguro kong maririnig ako ng tatlong lalaki kapag ringtone ang gumana sa pagtawag ko. Nakaapat na pagvibrate at nang marinig ko na ang tinig ni Jarren sa kabilang linya ay para akong nabuhayan.
"Hello, Aya. Napatawag ka? Gabing gabi na ah?"sa tinig ng boses ni Jarren ay sa wari ko ay tulog sya at nagising ko lang.
"Jarren! Jarren. Maraming salamat at sinagot mo."mahihimigan sa boses ko ang pagkataranta. "Jarren tulungan mo ko please--"
"Ano? Bakit anong nangyare sayo?"agad na tanong nya na medyo napalakas pa dahil sa pagkabigla. "Aya, sumagot ka. Anong nangyayare?"
"Tulungan mo ako. Hinahabol ako ng mga tatlong mga lalaki. Jarren, please I need you!"sinikap kong hinaan ang boses ko para hindi gaanong marinig ng mga lalaki pero nasisiguro kong dinig ni Jarren.
"Where the hell are you Aya, ano?wait relax Aya. Wag kang matakot. Sabihin mo lang kung asan ka?"mahinahon ang pagtatanong ni Jarren at sinisikap na pakalmahin ako pero maging iyon ay hindi nabawasan ang takot at kaba ko.
"Hindi to' masyadong pamilyar sakin kasi ngayun ko lang to' napuntahan pero madilim dito sa eskenita na---"
Naputol ang linya at gustuhin ko mang tawagan ulit si Jarren ay di ko na magawa dahil sa boses ng mga lalaking sa tingin ko ay ilang hakbang na lang ay malapit na sakin dahil sa papalapit nilang tinig ng pagtawa at pagtawag sakin na animoy mga adik.
Madilim man ang bahagi ng pwesto ko ay nakikita ko na ang katawan nila bagaman maitim dahil sa dilim ay maaaninag ko sila dahil sa nasanay na ang mata ko sa dilim. Nakita ko ang mga lakad nilang talagang mababakas ang pagkalasing hanggang sa malampasan na nila ako. Nakahinga ako ng maluwag nun pero kumabog ang dibdib ko ang magvibrate ang cellphone sa kamay ko. Ang inaasahan ko ay si Jarren ang tumatawag pero si Jiro ang nakaflash sa screen.
Gusto ko mang sagutin ay hindi pwede dahil sa oras na magsalita ako o kahit ang linya ni Jiro ay posibleng marinig nila dahil masyado pa silang malapit sakin. Pinatay ko ang tawag nya at mabilis akong nagtype ng message sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomansaKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...