Chapter 66

239 38 0
                                    

Jiro's POV

Huminto kami ni Nash sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para kay Mia. At pagdating namin sa sementeryo ay agad ko iyong inilagay sa tabi ng lapida nya.

Mia. Kamusta ka na dyan. Antagal narin simula nung dinalaw kita dito. Alam mo siguro na kahit masakit ay pinilit kong sumulyap sa libing mo sa malayo. Nasaktan ako kasi nawala ka. Isa ka sa nagpasaya sakin. Isa ka sa akala kong nanakit sakin pero hindi naman pala. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Bakit kasi hindi mo pinagtapat sakin na may sakit ka. Edi sana nasulit natin kahit yung ilang sandali, diba. Andaya mo eh. Yung nararamdaman ko lang ang inintindi mo, hindi mo man lang inisip yung sayo. Sorry sa lahat. Mahal na mahal kita.

Humingi ako ng tawad kay Mia ng hindi bumubuka ang bibig. Ayaw ko kasing marinig nitong lokong toh ang mensahe ko kay Mia. Baka sabihan pa akong madrama.

"Alam mo ba."napatingin ako kay Nash nung umupo sya sa tabi ko dito sa bermuda grass. "Mabilis syang namatay nang dahil sayo."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Sira ulo!"binatukan ko sya. "Anong ako? Akala ko ba may sakit sya?"pagdedepensa ko pa.

"Oo nga. May sakit sya. Pero dahil nga sayo este sa inyo kaya napadali ang buhay nya."naging seryoso ang pananalita nya kaya nakinig nalang ako. "Nakita nya kayong dalawa ni Natalie na magkahalikan."napalunok ako sa sinabi nyang yun. Bumalik sa alaala ko yung araw na yun na talagang ipinakita ko kay Mia ang paghalik ko kay Natalie. "Sobrang nasaktan sya sa nakita nya. Pinilit nyang makaalis dun pero nanakit bigla ang dibdib nya. Dinala pa namin sya sa hospital pero hindi nya na kinaya."

Sa kwentong yun ni Nash ay may luhang pumatak sa mga mata ko. May malakas na hangin ang biglang dumampi sa balat ko at kung si Mia man yun ay natutuwa ako. Hindi naman kainitan dito sa pwesto ng puntod nya kasi may punong nagsisilbing silungan sa araw.

Patawad, Mia.

"Napatawad ka na nun."hinimas ni Nash ang likod ko. "Alam naman nya na nagalit ka lang dahil sa ginawa namin. Pero mahal ka nun."nakangiting anya. Pinahid ko ng palad ko ang mga luha ko sa pisngi at pilit pinigil ang pagtulo nun.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka iyon pinakawalan para gumaan ang pakiramdam ko. "Ayos na ba kayo ni Aya?"tanong nya pero pinaningkitan ko lang sya ng mata. "I mean nag usap na ba kayo?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Katatapos palang nung nangyare kanina diba?  Saka okay naku. Masaya ako para sa inyo."pinilit kong huwag gawing peke ang ngiti ko pero hindi ko alam kung nahalata nya parin yun.

"Anong masaya? Sira ulo. Umayos ka. Ayusin nyo yung relasyon nyong dalawa."naguluhan ako kung bakit pinagtutulakan pa ako ng lokong toh sa taong hindi naman ako ang mahal kasi sya yung totoong gusto.

"Tsk. Hindi ba at ikaw ang mahal nya. Kung saan sya sasaya, susuportahan ko nalang. Masaya ako sa inyo."

"Gago! Ikaw ang mahal nun--"naguluhan ako sa sinasabi ng lalaking ito. Anong mahal ang pinagsasabi nya? Ehh kitang kita naman na crush na crush sya ni Aya eh. Sira ulo. Hindi na naituloy ni Nash ang dapat nyang sabihin sakin kasi nagtunog ang phone nya.

"Sino yan?"tanong ko dito.

"Si Sophia."

"Hoy! Huwag mong lokohin si Aya--tigilan mona yang Sophia na yan--"

"Wag kang maingay, hindi ko maintindahan-- ano? Nag aano ka naman dyan sa Bar?"anya sa kausap.

Sa bar? Ibang klase? Katanghaliang tapat nasa bar.

Habang kinakausap ni Nash yung Sophia ay naisipan kong tumingin tingin sa paligid. Naalala kong dito rin pala nakalibing ang mama ni Aya. Naisipan ko iyong puntahan kasi malapit lang naman.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon